Chapter 23

1.1K 35 0
                                    

Chloe's POV

"Ready?" Tanong ni tanner sa akin ng ma-i park niya ang kotse niya sa parking lot ng mansion namin.

"Yes." Sagot ko at nauna ng lumabas.

Habang naglalakad ako bigla nalang tumabi si lopez sa akin at pinagsikop ang kamay namin.

"Babe.. " mahinang sabi niya at saka pinisil ang kamay ko.

"Wag mo nga akong tawagin babe. Nakakairita 'yung mukha mo!" Sigaw ko sa kanya at inirapan siya.

"Babe naman eh. Wag kanang mairita sa gwapo kong mukha." sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.

O-kay hindi na ako maiirita. Kyaaaah kinikilig ako. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba isang kiss niya lang sa akin nawawala na agad ang tampo ko sa kanya?

"Bryle may dapat ba akong malaman?" Tanong ni tanner na seryoso ang boses at tumingin sa kamay namin na naka holding hands.

"Bro, mamaya ko na sasabihin." Sagot ni lopez at hinigpitan pa lalo ang kamay namin na nakasikop.

Nang makapasok kami sa mansion, bigla naman tumakbo si barbie kay manang liza.

"MOMMY!" sigaw ni barbie at saka niyakap si manang liza ng mahigpit.

"Oh god, baby" mangiyakngiyak na sabi ni manang liza at saka binuhat si barbie.

"Ma!" Sabi ni lopez at lumapit sa ina at kapatid niya na nagyayakapan.

"Shit" rinig kong sabi ni tanner na ngayon ay nakatingin kay sweetheart.

"Ayos ka lang ba tanner?" Tanong ko sa kanya at nilapitan si sweetheart na hanggang ngayon ay nakangiti.

"Ayos lang ako baby"

"Hoy! Bestfriend okay ka lang ba? Kanina kapa nakangiti diyan." Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"A-h. O-kay lang ako bestfriend." Sabi niya at tumingin kay tanner.

What the fuck? What the hell is happening? I smell something fishy.

"MY FAVORITE GRANDCHILD" napabaling naman ako sa sumigaw.

"LALA!" Sigaw ko tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.

"Apo, how are you? Okay ka lang ba? Kamusta ang pag tira mo sa province? Nangangayat ka yata ah." nag aalala niyang tanong at tinignan ako ng maigi.

"Lala I'm fine. Kaya wag kanang mag alala. Ikaw lala, kamusta na kayo ni lolo sa korea?"

"Ayos lang naman kami dun apo, yung lolo mo gustong gusto ang korean boy band dun. Anong grupo ba yun? BST? BLS? BPT? BPS? Ay ewan basta B ang una." Nakakunot noo niyang sabi.

"Lala BTS 'yun." Natatawang sagot ko at hinalikan siya.

"Ay BTS ba ang tawag dun? Di ko naman alam ang mga boy band group nayun eh."

"Opo BTS po ang tawag sa grupo nila. BTS stands for Bangtan Sonyeondan which literally translate into the Bulletproof Boy Scout." Nakangiti kong sagot.

"Ay apo pareho talaga kayo ng lolo mo. Gustong gusto ang BST."

"Lala BTS po. Hindi BST, B.T.S"

"Oh siya, BST na kung BST. Halika na sa dinning area nandun na silang lahat." Sabi ni lala at saka hinila ako. Napailing nalang ako, si lala talaga. Sabi na ngang BTS eh. Hahaha.

Nang makarating kami sa dinning area nandun sina kiesha, traven, vinna, si daddy, si lolo at si mommy. Napatayo naman si mommy nang makita ako.

"CHLOE? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa probinsiya ka?" Sigaw ni mommy sa akin, sasabat na sana ako ng biglang pumasok sa dinning area si tanner, lopez, sweetheart, manang liza at si barbie.

90 Days With Him Where stories live. Discover now