Chapter 9

1.4K 31 0
                                    

Chloe's POV

   

"Ma'am chloe dalian mo daw po. Nasa van na daw po silang lahat." Rinig kong sabi ng katulong namin.

"Aish, nandiyan na." Sabi ko at lumabas na ng kwarto ko.

Pagbukas ko ng van bumungad agad sa akin ang mga naka kunot nilang mukha.

"What?" Tanong ko na naka simangot at saka umupo sa pinaka likod.

"Wala." Sabay sabay na sabi nilang lahat sa akin.

Napakunot nalang ang noo ko ng makita si tanner na naka upo sa front seat, katabi ng driver. Magkatabi sina traven at si stupid, katabi naman ni kiesha si kurt. And guess what? Katabi ko si lopez. Kainis, mas gusto kong katabi si kurt eh. Ngayon kasi pupunta kami sa isang resort na pag mamay ari namin. Which is 'Mon Cher Resort'. Mon cher is an Italian word. Mon cher means 'My dear'. Mon cher ang ipinangalan ni daddy sa resort namin dahil endearment daw nila ni mommy 'yon. At sa resort na'yon nag start ang love story nila. Ang cute diba? Pupunta kasi kami dun just to celebrate my championship of king university as a Ms. K.U 2017. Kainis nga eh, sumama pa si stupid.

"Love inaantok na ako. Can I lay my head on your shoulder? I'm so sleepy na eh." Maarteng sabi ni vinna kay traven.

"Sure love." Naka ngiting sabi ni traven kay vinna at hinalikan niya pa ito sa noo. Napairap nalang ako, kainis naman. Napatingin ako kay tanner ng makita ang lungkot sa kanyang mukha. Alam ko na hindi parin siya maka get over kay vinna. Kaya lang naman kami naging magkaaway ni vinna simula nung nag break sila ni tanner. 2 years kasi sila ni tanner nun at close talaga kami ni vinna. Ate pa nga ang tawag ko sa kanya before. Nagalit lang naman ako sa kanya nun ng makipag break siya kay tanner, nakita ko kasi kung paano nasaktan si tanner. At mas lalo akong nagalit kay vinna ng malaman ko na wala pang dalawang araw sila na ni traven. Kaya hindi niyo ako masisisi kong grabe ang galit ko kay vinna.

Anyway, I'm wearing a pink crochet chevron maxi dress, floppy hat, and  thick-rimmed glasses. My hair may also be in a high bun. I think I'm too good for this outfits.

Napatingin ako sa cellphone ni lopez ng mag ring 'yon. Dali dali niya naman itong sinagot.

"Hello baby? Yes, sorry na. Sige, I love you too." Rinig kong sabi niya at saka pinatay na ang tawag.

Hindi ko alam pero nainis ako bigla. Bakit ganun si lopez? May kiesha na nga siya tapos ngayon, maririnig ko na may ka i love you siya?

"Oh ba't ganyan ang mukha mo?" Asked suddenly lopez making me back in reality.

"Wala kang paki." Sabi ko at inirapan siya.

"Ano bang  problema mo perez?"

"Wala"

"Yung totoo?"

"Wala nga."

"Naiinis kaba?"

"Oo"

"Galit kaba?"

"Oo"

"Nagseselos kaba?"

"Oo— what? Of course not!"

Sabi ko at nag iwas ng tingin. Damn!

"Hahahahaha." Tawa niya at napahawak pa sa tiyan niya.

"Sige, isa pang tawa. At sasapakin na kita." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag alala perez. Bunsong kapatid ko 'yon. Kaya wag kanang mag selos." Sabi niya na pinipigilan ang kanyang pagtawa.

"A-ko? Magseselos? Hahaha. Nagpapatawa kaba?"

90 Days With Him Where stories live. Discover now