Chapter 24

1.2K 30 2
                                    

Chloe's POV

"Sige pahinga na ako babe" sabi ko at hinalikan siya sa pisnge.

"Sige babe. Dream of me, I love you." Sabi ni lopez ng ihatid niya ako sa tapat ng kwarto ko.

"I love you too babe." I said and smile at him.

Nang makapasok ako sa kwarto ko dali dali naman akong nagbihis at nahiga sa papag. Hay! Nakakapagod talaga ang byahe. Mabuti nalang talaga na ihatid kami ni tanner kasi ayoko talagang sumakay ng bus! Nakakahilo kaya, and I really don't want to ride it again.

Matutulog na sana ako ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko.

Bestfriend Calling...

"WHAT THE HELL! Bakit kaba napatawag?" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Ang kuya mo kasi hiningi niya kanina ang number ko. Kyaaaaah kinikilig ako bestfriend." Sigaw ni sweetheart sa kabilang linya. Dali dali ko naman nilayo ang cellphone ko sa kanya.

"Fuck! Lower your voice."

"O-kay sorry, kasi naman eh kinikilig ako sa kuya mo bestfriend. Kyaaaaahh. Grabe unang kita ko palang sa kanya ang gwapo gwapo niya kyaaaaaah."

"I said, lower.your.voice! Isang pang sigaw diyan at papatayan kita ng cellphone."

"Ops, sorry. Kasi 'yung kuya mo eh. Pinapakilig ako pero alam mo bestfriend napapansin ko parang may something sa kanila ng vinna ba 'yun? Oo si vinna, ramdam ko kasi eh."

"Well may something talaga sa kanilang dalawa. You know ex-girlfriend ni tanner si vinna. And I know he still inlove with her." Sabi ko at humikab. Bigla naman tumahimik ang nasa kabilang linya.

"Hello? Hello sweetheart? Are you still there?"

"A-h. Sige bestfriend I gotta go. Si mama kasi pinababili pa ako ng ice pop sa tindahan. I will hang up okay? Bye!"

"Bye."

Ano bang nangyayari kay bestfriend? Kanina kinikilig tapos ngayon naman parang ang cold niya. Hays! Bahala na nga siya diyan. Makatulog na nga.

"Babe, gising na."

"Hmmm."

"Babe, pag hindi kapa diyan bumangon hahalikan talaga kita." Hindi ko pinansin ang sinabi niya basta natulog lang ako ulit. Alam ko naman na hindi niya gagawin—

"WAAAAH. PERVERT! PERVERT!" Sigaw ko at pinagpapalo siya sa dibdib. Pano ba naman bigla niya nalang akong dinaganan at saka hinalikan sa labi.

"Hindi ako pervert."

"Eh bakit kaba kasi naghahalik nalang diyan." Sabi ko inirapan siya.

"Eh ayaw mong bumangon eh."

"Aish! Ba't mo ba ako ginising?"

"Basta. May surpresa ako sayo." Sabi ni lopez at hinawakan ang kamay ko papabas ng kwarto.

"Hoy! Ano ba. Saan mo ba ako dadalhin? Hindi pa ako nakaayos—"

"Basta." Sabi niya at hinila na naman ako pababa. Hindi nalang ako umimik at nagpahila nalang ako. May tiwala naman ako sa kanya at isa pa excited na akong makita ang surprise niya sa akin. Ano kaya 'yun? Napakunot naman ang noo ko ng dinala niya ako sa kusina.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at inirapan siya.

"Wait me here. Okay?"

"Saan kaba pupunt—"

"Just wait." Sabi niya at lumabas ng kusina.

Ano bang nangyayari sa kanya? Ang weird niya ah. Aalis na sana ako ng bigla siyang pumasok sa kusina na naka custom ng stitch. Waaaaah. Ang cute niya.

90 Days With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon