Chapter 21

1.2K 41 0
                                    

Chloe's POV

   

Nang magising ako dali dali akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo, mabuti nalang talaga pag gising ko may mga damit at undies na ako sa gilid ng kama ko. Pagkatapos kong maligo pumunta ako sa sala pero hindi ko nakita sina sweetheart at si barbie. Nasaan naba sila?

"Barbie?" Sigaw ko at binuksan ang isa pang kwarto pero no barbie.

"Bestfriend?" Sigaw ko at binuksan ang closet pero no sweetheart.

Nasaan naba sila? Napangiti ako ng maamoy ang mabangong luto na nanggagaling sa kusina.

"Nandito lang pala kayon—"

"Hey!"

"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko kay lopez at inirapan siya.

"Perez..."

"Wag mo akong matawag tawag na perez baka sampalin na naman kita diyan."

"Awww. Namula na nga ang pisnge ko dahil sa sampal mo." Sagot niya at hinawakan ang namumula niyang pisnge.

Napalunok ako ng lumapit siya sa akin, sa sobrang lapit na aamoy ko ang mabango niyang hininga.

"Perez.." aniya at hinalikan ang gilid ng labi ko.

"Ano ba?! Lumayo kanga sa akin." Sigaw ko at akmang itutulak siya ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"No! Hindi ako lalayo hanggat hindi tayo nag uusap."

"Ano ba ang dapat nating pag usapan? Ha? Na hindi ka nakarating sa contest ko tulad ng pangako mo dahil nandito ka kasama ng babae mo? Ha? Na iniwan mong mag isa ang kapati—" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya nalang akong hinalikan. It just long but gentle, soft but glorious. Oh god! I love it when he kissed me like this. So I kiss him back, we share a passionate kiss.

Hingal na hingal kaming tumigil, dinikit niya naman ang noo niya sa noo ko.

"Perez, nangako ako sayo na manunuod ako diba? Nakabihis na ako that time at ready na akong pumunta sa gym, pero bigla nalang tumawag si kyla ang ex-girlfriend ko. Umiiyak siya na humihingi ng tulong sa akin, nag aalala ako kasi wala siyang kasama sa bahay nila. Her parents died in car accident, wala siyang relatives kasi wala naman kapatid ang mama at papa niya 'yung lolo at lola niya naman wala nadin ang mga ito. May sakit siya perez, kaya kahit na labag sa loob ko na iwan kayo ni barbie ginawa ko 'yun kasi kailangan niya ako."

"Kailangan din naman kita" Mahinang sabi ko at tsaka yumuko. Dahan dahan niyang hinawakan ang ba-ba ko at tinignan ang mga mata ko. 

"Listen, Kyla Cain is her name. She's 17 years old, 1 year naging kami. Napakabait, matulungin at masayahing babae si kyla. Kahit na wala na siyang magulang nakuha niya parin maging masaya, kahit mayaman siya hindi niya inaapak apakan ang mga mahihirap na katulad ko. Masaya kami nun hanggang isang araw bigla nalang siyang natumba kaya dali dali ko siyang tinakbo sa hospital. At tila yata nawalan ako ng lakas ng marinig ang sinabi ng doctor na may leukemia siyang sakit. Ang sakit sakit alam mo ba 'yun perez? Bakit ganun ang diyos? Hindi ba siya naaawa kay kyla? Hindi paba sapat ang mga naranasan niya? Bakit? Nasaktan ako ng sobra nun, kaya kahit masakit iniwan ko siya. Nakipaghiwalay ako sa kanya kasi hindi ko kayang makita ang kalagayan niya. Mahal na mahal ko siya na ayaw kong makita na nahihirapan na siya na nasasaktan na siya. Alam kong gago ako! Kasi ganun na nga ang kalagayan niya tapos iniwan ko pa siya, pero nangyari na eh. Hanggang sa tumira ako sa mansion niyo, hanggang sa nakilala kita. Alam kong kabaliktaran mo si kyla, kung siya mabait ikaw naman maldita.I tried to forget you, but the harder I tried, the more I thought about you. Hindi ko nga alam pero unti unti na akong nagkakagusto sayo nun. At mas nabaliw at nahulog pa ako ng sobra sayo ng tumira ka sa probinsiya namin. Dun ko lubos nakilala ang isang Chloe Samantha Perez, hanggang sa humingi si kyla ng tulong sa akin na hindi niya na daw kaya, kaya kahit na masakit na hindi ako nakapanuod ng contest mo tinulungan ko parin siya. Kailangan niya ako. At ngayon pupunuin ko na ang oras ko sa kanya. Tutulungan ko na siya. Kaya sana mapatawad mo na ako." Mahabang sabi niya at saka hinalikan ang noo ko.

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Naawa kasi ako kay kyla, hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa kanya. Kaya pala ang hina hina niyang tingnan sa restroom.
She have a damn blood cancer. Nakaka awa naman siya.

"Okay."

"What the hell? Okay lang ang sasabihin mo? Samantalang ang haba haba ng sinabi ko." He said with the most irritating voice.

"Bakit? Sino bang nagsabi na habaan mo ang sinabi mo?" Naiinis na sabi ko at inirapan siya.

"I know that I'm falling in love with you. I love your kissable lips, I love your bad eyes, I love your pointed nose. I love you when the sun burns bright, I love you when the moon turns white, in all the troubles my heart will become light if I have you in my sight. Right now the only thing that I really sure about is that I Love You. Chloe Samantha Perez will you be my girlfriend? Babe?" Aniya at bigla nalang lumabas sina barbie at sweetheart na may hawak na malaking tarpaulin na may nakasulat na 'Will you be my" napatingin ako kay lopez ng bigla niyang hubarin ang coat niya at napatakip nalang ako ng bibig ng makita ang nakasulat sa damit niya. 'Girlfriend?' napakunot naman ang noo ko ng tinuro ni Lopez ang damit ko. 'Babe?'

Will you be my girlfriend? Babe?

"Perez, will you be my girlfriend? Babe?" Nakangiti niyang tanong at tsaka sinuot ang kwintas sa akin na may design na infinity at may naka engraved na Lorez babe.

"Yes! Yes lopez!" Sigaw ko at niyakap din siya pabalik. I'm so happy right now. Finally, na amin din niya sa akin. Kahit na masakit ang nangyari kahapon, kakalimutan ko nalang 'yun kasi alam ko naman na ang rason. Kailangan siya ni kyla, at naiintindihan ko 'yun.

"Please, Ingatan mo 'tong kwintas. Pinaghirapan ko yan, Lorez means  Lopez and Perez. Pinagsama ko lang ang last name nating dalawa. "

"I will. Thank you for loving me lopez."

"No perez, thank you for being part of my life. I love you" He said and kiss my lips.

"I love you too." I retorted and kiss him back.



Lopez and Perez see at the right side.
-------------------------------------------------->

----—--—---—---—---—---—---—-----—--
A/N: Yehey! Naka pag update din ako sa wakas. Enjoy reading readers.

Read.Comment.Vote

Love, Ate Lay
   

90 Days With Him Where stories live. Discover now