Chapter 15

1.1K 38 0
                                    

Chloe's POV

Nandito ako ngayon sa sala nila lopez, kaharap ang mga bwesita ko. Bisita I mean.

"Chloe konting pag titiis nalang. 30 days kanang nandito sa province, so it means na 60 days nalang ang natitira m--"

"Can you shut up kiesha? Nakakarindi na kasi eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Chloe lower your voice." Galit na sabi ni tanner.

"Aish. Fine!" I said and rolled my eyes.

"Bryle and chloe aalis na kami." Paalam ni traven at saka tumayo silang lahat.

"Sige. Mag iingat kayo. " Ani lopez sa kanila at hinatid sila sa pintuan.

"Maaksidenti sana kayo." Bulong ko. Pero narinig yata ni lopez ang bulong ko kasi tinignan niya ako ng masama.

Nang maka alis sila, lumapit sa akin si lopez at hinawakan ang braso ko ng mahigpit.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo perez?" Sigaw niya sa akin at mas diniinan pa ang pag hawak sa braso ko.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya at saka tinulak siya.

"Pwede bang tigil tigilan mo yang kamalditahan mo?" Sigaw niya at tinignan ako ng masama.

"Ano bang paki alam mo?" Sigaw ko din sa kanya.

"Ano nga ba? Ha-ha-ha"  Sabi niya na walang emosyon at saka umalis sa harapan ko.

LUMIPAS ang isang linggo na hindi kami nag papansinan ni lopez. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan, nandito kami ngayon sa dinning area kumakain. At ang masaklap pa dun kaharap ko pa siya, wala si kuya brent dahil nasa mansion namin. Dun daw muna siya mag babakasyon sa amin sa manila para naman makatulong siya kay manang liza. Si barbie, ako at si lopez lang ang nandito ngayon sa bahay nila.

"Kuya pupunta po ako kina ate sweetheart." Sabi ni barbie at saka tumayo.

"Sige, susunduin nalang kita mamaya." Sabi ni lopez

"Sige po. Bye kuya bye ate chloe." Sabi niya at saka hinalikan ako sa pisnge.

Yes. Nang mapansin ni barbie na hindi kami nag papansinan ng kuya niya bigla nalang siyang bumait sa akin. Palagi kaming magkasama at kung minsan naman dun ako natutulog sa kwarto niya.

"Bye baby, ingat." Sabi ko din sa kanya.

Nang maka alis si barbie. Bigla nalang tumayo si lopez at saka iniwan akong mag isa. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Isang linggo na hindi niya ako pinapansin tapos ngayon aalis na lang siya bigla? Nakakainis na siya ah. At dahil naiinis na ako sa kanya dali dali ko siyang sinundan.

"May problema ba tayo lopez?" Humihikbing tanong ko sa kanya.

"Ba't ka umiiyak?" Naka kunot noo niyang tanong at saka umupo sa sofa nila.

"Ba't kasi hindi mo ako pinapansin. Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Ha?" Sabi ko at tumulo na naman ang luha ko.

"Shhhh. Taha na nga yan. Naiinis lang naman ako sa sinabi mo sa mga kapatid mo eh." Sabi niya at saka niyakap ako ng mahigpit.

"Naiinis ka sa akin? Tapos isang linggo mo akong hindi kakausapin? Kapag ba naiinis ako sayo, hindi na kita kinakausap. Diba hindi naman?" sabi ko na umiiyak, pinalo ang dibdib niya.

"Bakit kaba nagagalit? Namiss mo ako 'nu?" Natatawang sabi niya sa akin.

"Paano kung sabihin kung oo?"

"Edi masaya ako." Mahinang sabi niya at saka umiwas ng tingin.

"Bakit ka masaya?" Sabi ko na naka ngisi.

90 Days With Him Where stories live. Discover now