Chapter 40

1.4K 33 1
                                    

Chloe P.O.V

"Sigurado kabang gusto mo siyang makita?" Tanong ni lopez sa akin, hinawakan ko naman ang pisnge niya at saka tinignan siya sa mata.

"I'm very sure babe." Sabi ko at saka naunang ng lumabas sa sasakyan.

Nang lumabas nadin si lopez sa loob ng sasakyan kinuha niya naman ang kamay ko at pinagsikop ito bago kami naglakad papasok sa sementeryo.

Ngayon araw kasi, dadalawin namin si kyla. Nalulungkot ako kasi, wala na pala siya. Pero kahit ganun masaya ako kasi ginawa ko ang tama dati, iniwan ko si lopez ng dahil sa kahilingan niya, iniwan ko si lopez dahil gusto ko siyang mapasaya kahit sa maikling sandali lang. At masaya ako kasi nakagawa ako ng tama. Ng makarating kami sa puntod niya, umupo kaming dalawa ni lopez, sumindi kami ng kandila at binigyan siya ng bulaklak.

"Hi kyla, kamusta kana? Sorry ngayon lang ako nakapag dalawa sayo. Nasa ibang bansa kasi ako eh. Alam mo, nalulungkot ako kasi di man lang kita nakita ng mawala ka. Sana masaya na ka diyan, masaya ako kasi may nakilala akong kyla sa buhay ko. Alam kong di tayo ganun ka close at alam ko din palagi tayong nag aaway pero kahit ganun isa ka parin sa taong importante sa buhay ko. Masaya ako kyla kasi natupad ko ang hiling mo kahit na sa konting sandali lang, alam kong masakit na iwan ang taong mahal ko pero ginawa ko yun para sayo at sa ikakabuti mo. Gusto ko kasing napasaya ka, at ayoko ng maging selfish. Thank you so much kyla, I love you." Umiiyak na sabi ko at saka sumandal sa balikat ni lopez. Niyakap naman ni lopez ang bewang ko at saka siya naman nagsalita.

"Hi kyla, ng nakipaghiwalay si perez sa akin, nasakatan ako ng sobra nun. Di ko alam pero gusto ko ng mamatay, di ko naman alam na sinabihan mo siya na makipaghiwalay sa akin. Masakit, sobra. Pero di lang pala yun ang masakit ng malaman ko na aalis si perez sa pilipinas mas lalo akong nasaktan, di na kita masyadong naalagaan nun kasi sobra akong nasaktan. Tapos habang umiiyak ako sa hospital nakita kitang umiiyak din, nasasaktan ka kyla, alam ko yun. Alam kong mahal na mahal mo pa ako, kaya simula nun tinuon ko na ang buong atensiyon ko sayo kasi nakikita kitang nahihirapan na at lalong lumalala yung sakit mo. Hanggang sa di ka na humihinga. Wala ka na kyla, iniwan mo ako iniwan mo kami. Tapos napag alaman ko pa na lahat ng ariari-an mo pinamana mo sa akin. Nagpapasalamat ako ng sobra sayo kyla, hindi ganito ang buhay namin ngayon kung hindi dahil sayo. Maraming salamat kyla, mahal na mahal ka namin at hinding hindi ka namin makakalimutan." Umiiyak din na sabi ni lopez at saka niyakap ako ng mahigpit.

Hinawakan ko naman ang mukha niya at saka pinunasan ang luha niya.

"Babe, alam kung si kyla ang tumulong sa inyo. Pero hindi naman lalago ang kompanya mo kung hindi dahil sa kasipagan mo. Oo nga at binigyan ka ni kyla ng business, pero babe palagi mong tatandaan na pinaghirapan mo din yun palaguin at masaya ako kasi isa ka ng successful business man. I love you babe."

"I love you too babe. Please don't leave me again. Alam kung lahat ng pangako natin sa isa't isa noon di natin natupad pero ngayon pinapangako ko sayo na tutuparin natin yun babe, tutuparin natin na mag kasama tayo. Mahal na mahal kita perez babe." Lopez said and he just kissed me.

"Kyla, katulad ng hiniling mo noon, ngayon tutuparin ko na ang pinangako ko sayo noon." Sabi ni lopez at tumayo.

"H-oy! Ano yun ha?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. Pero ngumiti lang siya at saka inilalayan akong makatayo. Ng makatalikod ako pinaharap niya ako sa puntod ni kyla, at niyakap sa likuran. Ganun lang ang posisyon namin ng isang oras, kahit na masakit na ang paa ko tiniis ko parin kasi gusto ko din naman siyang makasama at gustong gusto ko rin naman na niyayakap niya ako.

Habang nakayakap sa akin si lopez, napatalon naman ako sa gulat ng bigla nalang may nahulog na mga rose petals sa amin nadalawa. Pag angat ko ng tingin, nakita kong may eroplano at may nahuhulog na petals sa amin. Napakunot naman ang noo ko ng dahan dahan akong pinaharap ni lopez sa kanya at saka hinalikan sa noo ko.

90 Days With Him Where stories live. Discover now