Chapter 8

1.4K 34 0
                                    

Chloe's POV

Today, we celebrate 65th anniversary of our school. So madaming program at mga booth na mangyayari.

"Naka handa naba ang lahat? Ayos naba ang lahat?" Tanong ng president ng classroom namin na si Teya.

"Ayos na ang lahat teya." sabi ng isa kong kaklase sa kanya.

"Good." Naka ngiting sagot ni teya.

Napairap naman ako, sana hindi nalang pala ako pumunta sa ganitong event. Ang panget kaya, may mga photo booth ek ek pa silang nalalaman. Ew!

"Oh chloe. Bakit naka upo ka lang diyan?" Tanong ni teya at saka lumapit sa akin.

"Wala kang paki alam. Eh sa napapagod ako eh." Sabi ko at inirapan siya. Wala akong paki alam kung president namin siya. Hindi ako natatakot sa kanya.

"Napapagod ka? Eh hindi ka nga tumulong sa pag gawa ng photo booth natin eh." Sabi nito at saka inirapan ako. Dahil naiinis na ako sa kanya. Tumayo ako at hinarap siya.

"I don't freaking care of you and to this photo booth. Just mined your own business, ugly creature!" Sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya yumuko siya ng kaunti.

"Are you insulting me chloe?" Tanong nito at tinignan ako ng masama.

"I don't insult people. I just describe them." Sagot ko sa kanya at binunggo siya sa balikat bago ako umalis. Hindi porke president siya sa classroom namin hindi ko na siya papatulan. Wala akong paki alam sa kanya.

Habang naglalakad ako bigla nalang may humila sa akin at dinala ako sa field.

"Ano ba?!" Sigaw ko at humarap sa kumaladkad sa akin. At tila yata lahat ng dugo ko pumunta sa mukha ko ng makilala ang humila sa akin. Nag uumpisa na naman tumibok ng mabilis ang puso ko.

"L-opez?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Perez.." mahinang sabi niya at saka niyakap ako ng mahigpit. Naririnig ko din ang pag hikbi niya.

"Uy, ano bang nangyayari sayo? Ba't ka umiiyak?" Mahinang tanong ko sa kanya. I hate drama, pero bakit ngayon gusto ko yatang itanong kung anong nararamdaman niya? Kung bakit siya umiiyak at kung bakit siya nasasaktan?

"Just stay" mahinang sabi nito at saka niyakap ako lalo. Wala sa sariling niyakap ko din siya pabalik. Hindi ko alam kung paano mag comfort, pero sa ngayon gusto kong malaman niya na nandito lang ako.

Ng tumigil na siya sa kaka iyak ay humarap na siya sa akin.

"Thank you" sabi nito at saka umiwas ng tingin.

"Tsk! Ang drama mo naman kasi. Ano bang nangyari?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya.

"Wala!" Sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko.

I don't know, but I feel the heat on my cheeks. The fudge! Did I just blush?

"You're blushing" naka ngising sabi nito sa akin.

"Heh! Ang init init syempre." Sabi ko nalang at saka umiwas ng tingin sa kanya.

"Tara sa gym." Sabi niya at kinaladkad na naman niya ako papuntang gymnasium ng school namin.

Ng makarating kami dun, nagulat nalang ako dahil halos lahat ng student sa KU eh nandito.

"Hoy anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Ah eh. Basta, halika samahan mo ko sa backstage." Sabi niya at saka hinila na naman ako sa backstage.

Pagpasok namin sa backstage nagulat nalang ako sa nakita ko, madaming mga babae ang mini-make up-pan. Nasa 29 yata sila, nakita ko din si kiesha at ang stupid niyang bestfriend na si vinna.

90 Days With Him Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu