Chapter 28

1K 31 0
                                    

Chloe's POV

Pagpasok ko sa bahay nila lopez naabutan ko silang lahat na kumakain sa dinning area.

"Oh chloe bakit ngayon ka lang? Saan kaba galing?" Tanong ni tito sa akin.

Smile and no one will see how broken you are inside.

Kahit masama ang pakiramdam ko pinilit ko parin ngumiti.

"Diyan lang po tito." Nakangiting sagot ko. Mabuti nalang talaga pinalitan ako ng damit ng doctor kanina kasi basang basa ako kanina.

"Halika kumain kana." Aya ni tito sa akin.

"Busog pa po ako eh. Sige po, sa kwarto muna ako." Sabi ko at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko mapigilan na hindi malungkot, hindi man lang tumingin si lopez sa akin. Hindi niya man tinanong kung okay ba ako o kung saan ako galing. Wala ba siyang paki alam sa akin?

Uminom ako ng gamot at natulog. Masama kasi talaga ang pakiramdam ko.

Nagising ako dahil ramdam kung may humahaplos sa buhok ko.

"Gising kana pala." Nakangiting sabi sa akin ni lopez at saka hinalikan ang noo ko.

"Bakit ka nandito? Diba dapat kasama mo si kyla?"

"Babe please wag ngayon." Sabi niya na ikinatahimik ko.

"Ba't hindi mo manlang sinabi na nilalagnat ka? Kung hindi pa kita pinuntahan dito 'di ko pa malalaman na masama ang pakiramdam mo." Nag aalalang sabi niya.

"Eh busy ka kay kyla eh. At isa pa diba wala kang paki alam sa akin? Why would I tell you anyway?"

"Mag aaway naman ba tayo perez? Ha? Pwede bang wag muna ngayon?"

"Sige, bukas nalang tayo mag away." Sarcastic na sagot ko at tsaka tumayo.

Nanlaki naman ang mata ko ng mapansin na iba na ang suot kong damit.

"WAAAAH. Ikaw ba ang nag palit sa akin? Ha?" Sigaw ko na hindi makapaniwala. Oh my god, OMG... no no no.

"Hoy! Ano ba, 'di ah. Si mama nag palit niyan." Natatawang sagot niya at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Nandito si manang liza?"

"Oo. Nandito sila nila kuya brent. Pinayagan naman sila ng mommy mo na umuwi muna dito kasi nalaman nila na umuwi si papa."

"Ah." Sabi ko nalang at niyakap din siya.

"Babe, I'm really sorry. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung hindi kita hinabol kanina dahil tinawag ako ni papa wag ko daw munang pabayaan si kyla. Wala naman akong magawa, sorry na babe. Sorry kung nagkasakit ka dahil sa akin. Sorry babe, hindi ko naman sinasadya. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Pasensiya na kung nasaktan na naman kita. Sana patawarin mo ako babe. I'm really sorry babe." Sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagyayakap sa akin.

"Shh it's okay, naiintindihan ko."

"I will be a good boyfriend from now on and I will understand you always. Promise I will do it." Sabi niya na ikinangiti ko.

"Promise?"

"Promise." Nakangiti niyang sabi at hinalikan ang ulo ko.

"I love you babe." I said and I kiss his cheeks.

"I love you more babe." He said and he just kiss my lips softly.

Napahinto naman ang halikan namin ng biglang may kumatok sa pinto.

"Bestfriend!" Sigaw ni sweetheart at biglang binuksan ang pintuan ko.

"Woooh. Naka istorbo ba ako?" Nakangisi niyang sabi at saka tinignan kami ni lopez.

90 Days With Him Where stories live. Discover now