Chapter 10

1.3K 34 0
                                    

Chloe's POV

*Fast Forward*

Mabilis natapos ang buong school year, ngayon pupunta na kami sa probinsiya. Grabe, akala ko makakalimutan na 'yon ni mommy pero hindi pala. Nandito kami ni lopez sa living room ngayon, nakabihis at handa ng umalis.

"Anak mag iingat ka dun ah? Wag kang mag alala dadalawin ka namin dun." Umiiyak na sabi ni mommy at saka niyakap ako ng mahigpit. Napairap nalang ako at hindi ko siya niyakap pabalik. Naiinis kasi ako sa kanya, alam niya naman na 'di ko kayang pumunta at tumira dun sa probinsiya pero pinilit niya parin. Kainis! Balak ko nga sanang mag layas kagabi pero hell! Ang daming body guards na naka bantay. Kahit kailan talaga ang talino ni mommy.

"Ingatan mo ang baby namin bryle ah?" Ani ni tanner kay lopez at tinapik ito sa balikat.

"Oo naman." Sabi ni lopez at ngumiti sa akin.

"Baby, wag matigas ang ulo ah?" Sabi naman sa akin ni traven.

"Chloe mag iingat ka du--" hindi na natapos ang sasabihin ni kiesha ng bigla akong umalis.

"Lopez halika na. Baka umulan pa." Sigaw ko at saka lumabas na ng mansion namin.

"Yan na, bye kie." Rinig kong sabi ni lopez kay kiesha.

Dumiretso ako sa garage namin at sasakay na sana ako sa kotse namin ng bigla akong hinawakan ni manang liza sa kamay.

"Anak, mag iingat kayo dun ni bryle ah? Mag ingat kayo sa byahe." Sabi niya at saka niyakap ako ng mahigpit.

"Sige po manag liza." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Ma! Wag mong pababayaan ang sarili mo ah? Mag iingat ka palagi." Sabi naman ni lopez kay manang liza at hinalikan ang pisnge nito. Napangiti naman ako, so sweet.

"Ikaw talagang bata ka, ikaw ang mag iingat dun. Oh sige na at mag bya-byahe pa kayo." Manang liza said kaya pumasok na kami ni lopez sa backseat.

Mabilis kaming nakarating sa probinsiya nila lopez at napahanga talaga ako sa tanawin. Mga malalawak na bukirin at mga tanim na palay. Napaka sarap ng simoy ng hangin, unlike sa manila na puro pollution.

Nang makarating kami sa bahay nila lopez, napahanga na Namangan ako dahil sobrang ayos nito kahit na 'di gaano kalakihan napaka ganda talaga nito.

"Saan ang kwarto ko?" Tanong ko kay lopez.

"Halika sasamahan kita." Sabi niya at saka umakyat kami sa second floor ng bahay nila. Pag akyat namin dun, may limang kwarto akong nakita. Huminto si lopez sa pinaka dulo ng kwarto at binuksan niya 'yun.

"Yan ang magiging kwarto mo." Sabi ni lopez na naka ngisi.

"Seriously? Diyan ang kwarto ko? Lopez naman, ang sikip sikip tapos ang higaan ko hindi ko alam tawag diyan. Yari sa kahoy? For sure sasakit ang likod kong yan, walang t.v, walang aircon, walang bathroom at walan--"

"Edi dun ka mahiga sa labas." Sabi ni lopez at iniwan ako. Naiiyak naman na pumasok ako sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung kakayanin ko bang tumira dito. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuang kwarto. Maayos at maganda naman talaga ito kaso ang sikip sikip. 'Yung higaan walang foam, hindi katulad sa hinihigaan ko dati... king size bed. Napaka lambot pa nito, ngayon naman yari sa kahoy. Waaahhh, no way! Tapos walang t.v, walang aircon. My god, kakayanin ko ba na walang aircon? Putcha naman eh! May maliit na electric fan lang akong nakita. Tapos wala pang bathroom dito, walang closet. Napatayo ako at nilapitan ang yari sa kahoy na lalagyanan ng mga damitan yata, tapos may salamin ito. Aparador yata tawag dun. Ewan hindi ko alam! Pagbukas ko, lumaki at napatalon ako sa higaan na yari sa kahoy ng may nakita akong ipis. Ewww

90 Days With Him Where stories live. Discover now