Chapter 2

1.7K 41 2
                                    

Chloe's POV

Matapos ang insidenteng nangyari sa cafeteria kanina dali dali akong pumunta ng ladies locker room at doon nag bihis. Kainis! Humanda lang talaga ang lalaki na 'yon. Kahit na gwapo siya tinapunan niya parin ang branded kong damit!

And I'll make sure he'll fucking pay!

Matapos akong magbihis ay dumiretso ako sa pool area ng KU, ayokong pumasok nakakatamad.

Umupo lang ako sa isang bench at tumingin sa pool kung saan may dalawang babaeng naliligo.

Hindi ko maiwasan mapairap ng makita isang naka two piece. Wow ha. Ang kapal naman ng mukha nila para mag two piece kahit nasa paaralan sila.

Ano teh? May party lang ang peg?

Mabilis akong tumingin sa likuran ko ng makarinig ng mga yapak pero agad akong napairap ng makitang si Traven 'yun. 

Pucha sa laki ba naman ng KU at talagang nahanap niya pa ako?

Hanep naman.

"Baby, wala ba kayong pasok? Bakit ka nandito?" Tanong nito bago tumabi sa'kin.

May pagka shunga din 'tong kapatid ko nu? Obvious naman na hindi ako pumasok at tatanungin niya pa?

"Hindi ako pumasok," Giit ko at umiwas ng tingin.

Here comes the sermon again. "Why? Ayan ka na naman chloe, sisirain mo ba talaga ang buhay mo? Puro nalang ba ganyan ang gagawin mo? Gayahin mo kaya si kiesha na walang ginawa kundi mag aral, for sure may mararating ka someday."

Blah blah blah

Hindi lang pumasok sisirain agad ang kinabukasan? Lakas naman nun.

Dahil sa kabwesitan ko ay hindi ko na napigilan sumagot sa paepal kong kapatid. "Hindi pa ba kayo napapagod na sermonan ako Traven? Araw araw nalang ba ha? Puro nalang kayo kiesha, kiesha, kiesha! Sige siya na mabait, magaling at nag aaral ng mabuti! Alam ko 'yun kaya wag mo ng ipamukha sa'kin kasi hindi ako tanga." Tumayo ako at nag walk out.

Oo na! Masama na ugali ko, wala akong kwentang kapatid. Alam ko na 'yun.

"CHLOE!" Rinig kong sigaw nito pero hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa paglalakad.

Nakakainis kasi! Araw araw pinamumukha nila kung ga'no kabuting tao, kapatid at anak si Kiesha. Kung ga'no siya kagaling at katalino. Fine! Edi siya na!

I already know that, hindi na kailangan pang ipamukha sa'kin ng paulit ulit. Hindi naman kasi ako bingi at mas lalong hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi nila.

Dumiretso ako sa library kasi 'yun lang talaga ang lugar na sa tingin ko ay walang manggugulo sa'kin. Pupunta ako hindi para mag aral o mag basa kundi para matulog. Letche kasi, antok na antok talaga ako.

Ngumiti ako ng makapasok ako, konti lang ang estudyante siguro dahil class hour. Pagkatapos kong mag sign in ay dali dali akong pwemesto sa pinaka likuran at doon natulog.

I woke up when my alarm starting to sound. I look around and I can't help but to feel panic when I saw the librarian glaring at me.

Tangina. Nahuli pa tuloy ako.

I fix my messy hair, avoiding her piercing eyes.

Bago ako lumabas ng library ay pinakita ko talaga sa kanya ang pag irap ko.

Anong akala niya? Matatakot ako sa kanya? Asa siya.

Habang nag dra-drive ako pauwi sa bahay ay unti unti kong binagalan ang pagpapatakbo sa sasakyan ko ng makita ang lalaking nagtapon sa'kin ng tubig kanina sa caf.

90 Days With Him Where stories live. Discover now