Chapter 30

1.1K 31 0
                                    

Chloe's POV

Namimiss ko na si lopez. Dalawang linggo na siyang hindi umuwi simula noong nahimatay si kyla. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko sa kanya at hindi din siya nag re-reply sa mga text ko sa kanya. Mabuti nalang talaga dinadalhan siya ni tito ng mga damit niya. I miss lopez so much. Nang makita ko 'yong cellphone ko dali dali ko naman tinawagan si lopez, pero hindi niya sinasagot. Nakakainis alam mo ba 'yon! Ganun naba siya ka busy? Ni hindi niya man lang ako ma text. Kahit na kamusta kana? Kahit 'yon lang naman sana.

Itatapon ko na sana ang cellphone ko ng biglang may tumawag.

Babe calling...

"Hello lopez? Kamusta kana? Bakit ngayon ka lang tumawag? Ni hindi mo man lang sinasagot mga tawag"

"Perez. Please, tumawag lang ako para sabihin na matatagalan pa akong uuwi diyan."

"WHAT? Bakit naman?" Sigaw ko grabe naman. Hindi niya ba ako namimiss? Eh dalawang linggo na ngang wala siya sa tabi ko parang mababaliw na ako.

"Si kyla naging mas malala 'yong kondisyon niya. Alam mo naman na kailangan niya ako diba? Kaya please sana intindihin mo ako." Kung kailangan ka ni kyla mas kailangan kita! Gusto kong sabihin sa kanya kaso iniisip ko na baka mahihirapan lang siya. Yes, I know kyla needs lopez but how about me?

"I u-nderstand babe, sige. Happy 1st monthsary nalang, pag uwi mo dito may regalo ako. I love you babe." Sabi ko at tumulo ang luha ko. Yes, ngayon araw na to ay napaka especial sa akin. Akalain mo yun, isang buwan na kami ni lopez. Ang dami narin naming pinag daanan.

"B-abe? Mamaya nalang tayo mag uusap. Tinatawag na ako ni kyla. Bye!" Sabi niya sa kabilang linya at saka pinatay ang tawag.

Nabitawan ko naman ang cellphone ko at nanginginig na umiyak ng umiyak. Ang sakit pakshit! Ni hindi niya man lang ako binati, kahit manlang sanang simpling happy monthsary. Ni hindi niya nga yata naalala na monthsary namin ngayon eh. Pakshit! Ang sakit sakit puta!

"Errrr. Gago ka! Palagi mo nalang akong pinapaiyak!" Sigaw ko at umiyak ng umiyak.

Habang umiiyak ako bigla nalang may kumatok sa pintuan.

"Bestfriend! Ayos ka lang ba? Nandito 'yong daddy mo." Sigaw ni sweetheart, bigla naman akong napatayo at pinunasan ang luha ko.

"Sige, buksan mo lang." Sabi ko at inayos ang buhok ko. Nang buksan ni sweetheart ang pintuan, nakita ko siyang ngumiti sa akin. Nasa likod niya si daddy na nakatingin sa akin.

"Sige maiwan ko muna kayo." Naka ngiting sabi ni sweetheart at umalis.

Bigla naman ni-lock ni daddy ang pintuan at nilapitan ako.

"Baby, are you okay? Bakit namumula 'yong mga mata mo? Umiiyak kaba?"

"H-indi po daddy." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Baby, alam ko na hindi ka okay. Kaya sabihin mo na kay daddy, you know naman na I always love you diba?"

"Si lopez po kasi." Sabi ko at tumulo na naman ang luha ko.

"Anong problema niyong dalawa?"

Bigla ko naman niyakap ng mahigpit si daddy at umiyak ng umiyak.

"A-ng sakit sakit daddy, alam niyo po ba yung parang sinasaksak 'yong puso niyo. Ganun po kasakit, ngayon ko lang po naranasan ito. Hindi ko na po kaya. Daddy ayoko na po dito, please daddy maawa naman po kayo sa akin." Hagulgul ko.

90 Days With Him Where stories live. Discover now