Chapter 35

1.1K 30 0
                                    

Chloe P.O.V

"Aw aw aw" tahol ni lorez at tumalon sa kama ko.

"Baby lorez inaantok pa si mommy. Ba't kaba tahol ng tahol?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na hindi niya ako sasagutin.

"Aw aw" tahol niya at saka tumakbo sa pintuan. Napakunot naman ang noo ko at dahan dahan bumangon sa kama.

"Lorez stop barking." Sabi ko at saka lumapit sa pintuan.

*Ding Dong*

Hayst kaya pala tahol ng tahol si lorez may tao pala. Ng buksan ko ang pinto napa awang naman ang bibig ko. No way! Why is he here?

"Zach?" Gulat na gulat na sabi ko. No way, bakit nandito siya sa america?

"Sam." Mahinang sabi niya at saka niyakap ako ng mahigpit. Di ko mapigilan na hindi mapangiti, zach is here.

"Zach how are you? Bakit nandito ka sa america?" Sunod na sunod na tanong ko at ipinasok siya sa condominium ko.

"Aw aw" tahol sa kanya ni lorez napatawa naman ako ng bigla tumalon si zach sa sofa.

"Baby, zach is my friend don't bark him. Mommy will be sad." Sabi ko at hinalikan ang ulo ni lorez. Napangiti naman ako ng biglang tumakbo si lorez papasok sa room niya. Yes, may room si lorez I don't care kung aso siya. Mahal ko siya eh.

"Hay salamat naman at hindi niya ako kinagat."

"Hahaha hindi nangangagat yun. Mabait yun ewan ko nga ba ba't ayaw niya sayo." Natatawang sabi ko at saka umupo sa tabi niya.

"Hmm. Change topic."

"Okay then, bakit ka nandito zach? Ba't alam mo yung condominium ko?"

"Well, nandito lang ako for some business. Kung paano ko nalaman ang condo mo? Nag tanong ako kay sweetheart."

"Oh." Yun nalang nasabi ko at saka yumuko. Si bestfriend talaga sabi ko na nga na wag sasabihin kahit kanino ang number ng condo ko eh. Pero okay lang at least si zach lang nakaka alam.

"Sam alam mo nakakatampo ka. Ni hindi ka man lang nagpaalam na aalis kana, kung hindi ko pa nakita si sweetheart di ko pa malalaman na nandito kana pala sa america."

"Sorry about that zach, Im really sorry. Biglaan kasi ang desisyon ko sana maintindihan mo."

"Ano kaba sam naiintindihan kita. By the way ilang araw ka naman pala dito?"

"5 days."

"Oh I see, ayos ka lang ba dito?"

"Yes zach Im really fine. At isa pa pumapasok na ako sa school, kahapon lang nag start ang klase. Ikaw kamusta kana?"

"Mabuti naman at ayos ka lang dito. Well, okay naman ako, dun parin nag aaral sa King University."

"Ah."

"Sam are you really fine? Yung mata mo namumugto, mahal mo parin ba siya--"

"Zach! Stop it! Tama na. Ayokong pag usapan yan, pumunta ako dito para mag aral ng mabuti ayokong ma alala na naman ang nangyari noon."

"Sorry, Im just worried."

"It's okay."

"Sam. I really need to go may meeting pa ako mamaya." Sabi ni zach at saka tumayo.

"Sige maiingat ka."

"Ikaw ang mag iingat, wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Just call me if you need something. I always here for you, take care and study hard. I love you." Sabi ni zach at hinalikan ang noo ko.

90 Days With Him Where stories live. Discover now