Chapter 38

1.2K 30 0
                                    

Chloe P.O.V

"Good morning ma'am" bati ng mga empliyado ko at saka yumuko.

"Morning" bati ko bago pumasok sa opisina ko.

Nandito parin ako sa america. Isa na akong sikat na fashion designer. Nagpatayo narin ako ng shop dito, hindi naman masyadong malaki. Habang nag ske-sketch ako ng mga new design ko bigla nalang pumasok ang secretary ko.

"Good morning ma'am chloe. Tumawag po yung mommy niyo pinapasabi niya na bukas na daw po yung kasal nila traven at ni vinna."

"What? Akala ko sa next month pa yun?" Sabi ko na hindi makapaniwala, kung nagtataka kayo kung bakit tagalog yung salita ng secretary ko, syempre isa siyang pilipino.

"Ayaw daw pong patagalin ni traven eh." Sabi niya at nag kamot ng ulo.

"Oh, si kuya talaga. Sige ako nalang tatawag sa bahay."

"Sige po." Sabi niya at saka lumabas na ng opisina ko.

Dali dali ko naman kinuha ang cellphone ko at saka tinawagan si mommy.

"Hello baby?"

"Mom totoo po ba na bukas na yung kasal ni kuya traven?"

"Yes baby. Yung kuya mo kasi masyadong excited ayaw niya na daw patagalin yung kasal nila ni vinna."

"Haist! Eh panu yun mommy? May trabaho naman po ako dito at hindi pa po ako handang bumalik sa pilipinas."

"Baby naman ang tagal mo na diyan sa america. Umuwi kana dito, kung inaalala mo yung trabaho mo diyan. Dito, ang daming naghihintay sayong trabaho."

"Mom. Alam mo naman siguro na kung uuwi ako diyan bukas hindi na ako makakabalik dito."

"Alam ko yun baby."

"Eh panu po yung shop ko dito sa america?"

"Madali lang yan baby, kumuha ka ng taong mapagkakatiwalaan mo at siya yung ipa manage mo diyan. Yung mga design mo ipadala mo nalang."

"Haist! Sige po, liligpitin ko lang yung mga gamit ko."

"Sige baby. Bye love you."

"Love you too mom." Paalam ko at saka pinatay na ang tawag. Pagkatapos kung tapusin yung mga design lumabas naman ako ng opisina ako at saka pumunta sa sekretarya ko.

"Alex, tutal ikaw naman yung nakaka alam lahat ng mga ginagawa ko sayo ko muna ibibilin tong shop ko. Ikaw yung mag ma-manage, ikaw ng bahala dito. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Aalis na ako mamaya, uuwi na ako ng pilipinas."

"M-a'am? Totoo po ba? Talaga po?"

"Yes alex, malaki yung tiwala ko sayo. Wag kang mag alala dadalaw ako dito."

"Sige po ma'am chloe. Maraming salamat po. Ingat po kayo sa byahe."

"Sige, aalis na ako madami pa akong kailangan gawin." Sabi ko at saka kinausap lahat ng empliyado ko. Masaya naman ako kasi alam kung mapagkakatiwalaan silang lahat. Umiyak din yung iba sa kanila kasi daw ma mimiss nila ako. Bago ako makalabas ng shop ko tinignan ko muna ito at saka pumasok na sa kotse ko. Pagkatapos ng graduation ko, madaming mga malalaking kompanya yung nag alok sa akin ng trabaho pero lahat yun di ko tinanggap. Nag sariling sikap ako, ginawa ko lahat para mapatayo yung shop ko. Hindi ko din tinanggap yung pera nila mommy at daddy na gusto akong tulungan. Dugo at pawis para lang mapatayo lang ang shop nayan. At hindi naman nag tagal nag design na ako ng ibat ibang damit, gown at kung ano ano pa. Hindi ko din akalain na magiging isa na akong sikat na fashion designer. Yung mga sikat na artist at model dito sa america ako din nag design ng mga damit nila. Kilalang kilala na talaga ako dito, hindi ko nga lang alam kung pati sa ibang bansa ay kilala din ako.

90 Days With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon