Chapter 12

1.3K 35 1
                                    

Chloe's POV

"Perez" Nagising ako ng marinig ang boses ni lopez na ginigising ako.

"Hmmm." Mahinang sabi ko at tinakpan ang mukha ko ng kumot.

"Gising na perez. Kailangan mong tumulong sa amin sa pagtatanim ng mga sibuyas." Sabi niya pa.

Dali dali naman akong napabangon at tinignan siya ng masama.

"What? Magtatanim ng sibuyas? For real? Pagtatanimin mo ako ng sibuyas?" Gulat na gulat na sabi ko.

"Oo nga. Kulit mo! Maligo ka na nga at mag tatanim pa tayo. Dalian mo ah." Sabi nito at lumabas ng kwarto ko.

Napairap nalang ako sa kawalan at napatingin ako sa orasan.

For real? 4:30 am palang. Anong kalokohan ito? Sa mansion tanghali na ako nagigising mga 12:30 pm siguro. Dali dali naman akong naligo baka kasi mainis na naman ang hinayupak na si lopez. Napangiti ako ng maalala ang dinner namin ni lopez kagabi. I'm so happy.

*Flashback*

Nang makarating kami sa bayan nila lopez napangiti ako ng makita ang mga bilihan dun. Ang dami talaga, tapos ang gaganda pa. Wala man silang mall at mga naglalakihang building maganda naman siyang tignan.

"Perez walang mga restaurant na mamahalin dito ah. Mga fast food chain lang ang mga nandito." sabi niya. Tumango nalang ako at saka pumasok kami sa isang fast food chain. Siya narin ang nag order sa akin dahil hindi ko naman talaga alam ang mga pagkain nila. Seriously, ngayon lang kasi ako naka pasok sa isang fast food chain. Puro kasi mga mamahaling restaurant ang kinakainan ko. Noong kompleto at buo pa nga kaming pamilya sa ibang bansa pa kami nag di-dinner.

"Oh kain kana." Nakangiting sabi sa akin ni lopez at nilapag ang mga pagkain sa lamesa.

"Magkano 'to?" Tanong ko, kukunin ko na sana ang wallet ko sa bag ko ng pigilan niya ako.

"Nabayaran ko na." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you" sabi ko at nginitian siya.

"Marunong ka palang mag pa thank you" natatawang sabi niya at nagsimula ng kumain.

90 Days With Him Where stories live. Discover now