Chapter 33

1.1K 34 0
                                    

Chloe P.O.V

"Bestfriend a-alis kana ba talaga?" Umiiyak na sabi ni sweetheart sa cellphone.

"Oo bestfriend. Wag kang mag alala tatawag ako palagi, mag skype tayo ah?" Umiiyak na sabi ko.

"S-ige, mag iingat ka dun ah? Kung may problema ka tawagan mo lang ako."

"Oh sige ba. Ikaw din kung may problema ka tawagan mo lang ako. I will hang up, malapit na kami sa airport." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"S-ige. I love you bestfriend."

"I love you too bestfriend. Wag mong sasabihin kay lopez na umalis ako ng bansa ah?"

"Oo. Nag promise ako sayo eh."

"Bye bestfriend. Always take care." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Mamimiss ko ng sobra si sweetheart. Namimiss ko yung kakulitan niya at ang sobrang pagka sweet niya. Ng makarating kami sa airport inalalayan naman ako ni traven na makalabas ng sasakyan.

"Mag iingat ka dun baby" Traven

"Wag mag bo-boyfriend" Tanner

"Tawagan mo ako kapag may problema ka." Kiesha

"Mag aral ka ng mabuti dun." Daddy

"Yung sinabi ko sayo baby, stop being childish, brat and bitch. Be matured baby, nandito lang kami palagi." Mommy said and she gave me a hug.

"M-om, I know. Hindi niyo napo ako kailangan pag sabihin." Sabi ko na natatawa at saka niyakap mg mahigpit si mommy.

"Good. I love you baby."

"I love you too mom. Sorry for everything that I've done to you. Promise ko po na magiging mature na ako." Umiiyak na sabi ko at hinalikan si mommy sa pisnge.

"Dad." Mahinang sabi ko at niyakap ng mahigpit si daddy.

"Baby, always take care okay? Alam mo naman na Im always here for you. Mag aral ka dun ng mabuti. "

"Opo dad."

"I love you baby."

"I love you too dad. Ingatan niyo po sarili niyo ah? Pati narin si mommy. Wag po kayong mag away." Sabi ko sa kanya. Bigla naman akong naglakad sa harapan ni traven at niyakap siya ng mahigpit.

"K-uya..." hagulgul ko at mas niyakap siya ng mahigpit. Sa tagal ng panahon ngayon ko lang ulit tinawag ng kuya si traven.

"Baby, taha na. Wag kanang umiyak." natatawang sabi ni traven at hinaplos ang buhok ko. Tinignan ko naman siya at nginitian.

"K-uya sorry sa lahat ng ginawa ko sayo ah?"

"Ano kaba baby, wala na yun. Matagal naman na yun eh." Sabi ni kuya traven sa akin at pinahid ang luha ko.

"Sorry talaga sa lahat ng nagawa kong masama sayo kuya. I love you kuya."

"I love you too baby. Wag kang mag bo-boyfriend dun ah? Gusto ko si bryl--"

"KUYA! Diba sabi ko wag na wag mong babanggitin ang pangalan niya?" Sabi ko at pumula ng tudo.

"Hahaha. Sorry." Sabi ni kuya traven at hinalikan ang noo ko. Napangiti naman ako at saka tumingin kay kuya tanner.

"Kuya tanner"

"Wow! You called us kuya, it's been a long time." natatawang sabi ni kuya tanner at ginulo ang buhok ko.

"Kuya naman eh. Wag mo nga guluhin ang buhok ko." Sabi ko at umirap sa kanya.

"Tsk! Fine."

"I love you kuya. Sorry sa lahat ng nagawa kong masama sayo."

"Hahaha. I love you too baby, sorry din sa lahat." Kuya tanner said and he kissed my forehead.

Napatingin naman ako kay kiesha at nginitian siya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ang dami kong nagawang mali sa kanya, sana nga lang mapatawad niya na ako.

"A-te" mahinang sabi ko at yumuko.

"Yes baby?" Nakangising sabi ni kiesha sa akin at saka niyakap ako ng mahigpit.

"S-orry sa lahat lahat...I know sorry is not enough for everything I've done to you ate. Naging maldita ako sayo, yes inaamin ko I hate you. Palagi mo nalang kasi inaagaw lahat ng nakapaligid sa akin. Palagi ka nalang tama, palagi nalang ikaw yung napapansin nila." Umiiyak na sabi ko.

"Sssh, taha na. Palagi mong tatandaan na maraming nagmamahal sayo chloe. Hindi naman totoo na inaagaw ko sayo lahat, minsan kasi tumingin karin sa mga nakapaligid sayo. Ang swerte mo nga baby kasi ang dami daming nagmamahal sayo, sana mapatawad mo ako sa mga nagawa kong mali sayo."

"Sorry talaga ate. Promise ko, hinding hindi na kita aawayin."

"Hahaha. I love you baby"

"I love you too ate. Paki sabi nalang kay kurt at kay vinna na sorry din."

"I will."

"Group hug!" Sigaw ni tanner. Kaya nag group hug kaming lahat. Napangiti naman ako, Im so happy to have a family like them ni hindi ko man lang namalayan na buo na kaming lahat at masaya kami. Hindi ko maisip na darating ang araw nato....na magkakaayos kami, katulad nalang ng dati.

"Sige, aalis na ako. Bye guys, I love you all." Sabi ko at saka kumalawa sa yakap nila.

"Bye baby. Yung bilin namin ah." Sigaw ni daddy.

"Opo dad!" Sabi ko at pumasok na sa private plane namin. Ng naramdaman ko na unti unti ng tumataas ang eroplano napatingin ako sa baba at bigla nalang ako napamura ng makita ko si lopez na nakatingin sa akin.

"L-opez." Mahinang sabi ko at saka tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan na hindi mapahagulgul habang nakatingin sa kanya. Gosh, I will miss him. Everything about him, mahal na mahal na mahal ko siya. Pinikit ko ang mga mata ko habang inaalala lahat ng nangyayari sa amin, lahat yun naging masaya ako habang kasama siya. Masaya ako kasi may nakilala akong isang katulad niya na nagpabago sa akin, he teach me how to cook, wash my clothes and wash the dishes. Sana lang pag dating ng araw mapatawad niya ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Sana pagdating ng araw hindi mawala ang pag ibig niya sa akin, Sana pagdating ng araw nandiyan parin ako sa puso niya... Sana hindi niya ako makalimutan. Kasi ako hinding hindi ko siya makakalimutan, siya lang ang nag iisa sa puso ko. Siya lang ang mahal ko, sana ako din....sana mahal niya parin ako kapag bumalik na ako.

I love you, I love you from the bottom of my heart. When i close my eyes, I see only you. When i open my eyes, I want to see you. You are in my heart and I really love you Lopez, Babe.

Chloe Samantha Perez see at the right side ---------->

----------------------------------------
A/N: Sorry kung maikli babawi ako sa next chapter. Sorry.

Read.Comment.Vote

Love, Ate Lay☺

90 Days With Him Where stories live. Discover now