Chapter 29

1.1K 30 0
                                    

Chloe's POV

I'm wearing a floral dress match with the red high heels. Naglagay muna ako ng nude lipstick bago bumaba. Ngayon linggo kasi, balak namin mag simba lahat. Pagbaba ko nakita ko si kyla na nakaupo sa sofa. She's wearing a black dress match with the white high heels, her lipstick is red.

"Hi chloe." Sabi niya at peke niya akong nginitian.

"Pwede ba kyla wag kang plastic. Wala naman dito si lopez eh kaya wag mo ng itago ang panget mong ugali." I said and smile at her. Bigla siyang ngumiti ng malaki at tsaka lumapit sa akin.

"Well, pareho lang naman tayo. Kung plastic ako mas plastic ka." sabi niya at inirapan ako.

"Really? Alam mo hindi ako na inform na plastic pala ako. Alam mo kung bakit? Pinapakita ko kasi ang tunay na ugali ko, eh ikaw para kang straw!" Sabi ko sa kanya at inirapan din siya.

"Straw?"

"Straw, plastic na nga sipsip pa." Naka ngising sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.

"Errr. Humanda ka lang chloe, tandaan mo to. May araw ka rin! Magiging akin si bryle. Maghihiwalay kayo itaga mo 'yan
sa bato." Rinig kong sabi niya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan.

"Hey babe!"

No. Hindi dapat ako kabahan, hindi kami maghihiwalay ni lopez.

"Babe, are you okay?"

"Ha?"

"Kanina pa kita kinakausap 'di mo naman ako pinapansin. May problema ba? Bakit namumutla ka?"

"A-h may iniisip lang ako babe." Sabi ko at ngumiti ng konti kay lopez. Shit ano bang nangyayari sa akin? Bakit naman ako kinabahan sa sinabi ng kyla na 'yon?

"Ano naman ang iniisip mo?"

"A-h, wala. Basta! Pabayaan mo nalang 'yon, 'di naman 'yon importante." Sagot ko at umiwas ng tingin.

Magsasalita na naman sana si lopez ng biglang dumating sina manang liza, tito, kuya brent at barbie.

"Alis na tayo." nakangiting sabi ni manang liza sa akin.

Nang makasakay kami sa van na nirentahan nila tito dumeritso agad kami sa simbahan. Naalala ko tuloy dati, kapag sunday nag sisimba kaming lahat. Si kiesha palagi ko pang kasama, sina traven at tanner naman palaging nakabuntot sa isa't isa. Sina mommy at daddy naman napaka sweet parang hindi mo na sila mapaghihiwalay. Oo inaamin ko, masaya kami dati. Pagkatapos namin magsimba dati, kakain kami sa pinakamamahaling restaurant sa pilipinas kung minsan nga sa ibang bansa pa kami kumakain. Ganun kami dati pero nagbago lang 'yon nung palagi na nag aaway sina mommy at daddy....walang araw na hindi sila nag aaway. Pati kami nadamay, pinabayaan nila kami. Hindi nila naisip na nasasaktan din kaming mga anak nila. Kaya nung dumating si vinna sa buhay ni tanner naging masaya kaming magkakapatid, palagi kaming lumalabas. Pumupunta sa iba't ibang bansa. Nanunuod ng concert at kung ano ano pa. At naging masaya pa ako lalo nung dumating si kurt sa buhay ko pero bigla ko nalang nalaman na nakipaghiwalay na si mommy kay daddy.... lumayas si daddy. Nasaktan ako ng sobra nun, at nagalit pa ako ng malaman na pinagpalit ni vinna si tanner kay traven. Nakita ko kasi kung paano nasaktan si tanner, mas nasaktan pa ako lalo nung nalaman ko 'yong sekreto ni kurt. He just using me! So I just breaking up with him. Nalaman ko na hindi niya naman pala ako mahal, si kiesha ang tunay na mahal niya at ginamit niya lang ako para mapalapit kay kiesha. Doon ako nagsimula, I drunk alcoholic drinks every night. I also skipped in our school. Doon narin lumabas ang pagka bitch ko!

Nang makarating kami sa simbahan, katabi ko si lopez at katabi naman ni lopez si kyla bali pinapagitnaan namin ni kyla si lopez. Hanggang sa natapos ang misa hindi parin ako mapakali, iniisip ko parin 'yong sinabi ni kyla sa akin kanina. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ng mangyayari sa akin kapag naghiwalay kami ni lopez. Yes, I love lopez so much.

90 Days With Him Where stories live. Discover now