Chapter 36

1.2K 29 0
                                    

Chloe P.O.V

Habang nagkukulitan kami ni lorez bigla nalang may nag doorbell kaya dali dali ko naman binuksan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang nagkukulitan kami ni lorez bigla nalang may nag doorbell kaya dali dali ko naman binuksan.

"Vinna? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na tanong ko ng makita si vinna sa harap ng pintuan ko.

"Pwede ba akong pumasok?"

"Ha? Ayoko nga! Baka mamaya sunugin mo tong condo ko eh."

"Chloe naman eh! Sige na, may sasabihin lang akong importante sayo."

"Ganu ba ka importante?"

"Chloe! Sobrang importante to. Promise."

"Promise? Mamatay kaman?"

"CHLOE!"

"Oh chill ka lang, sige na nga pumasok kana." Sabi ko na nakakunot noo at saka niluwangan ang pintuan. Ng maka pasok siya ni-lock ko naman ang pinto at saka humarap sa kanya.

"Chloe, may sasabihin sana ako." Mahinanag sabi ni vinna at saka umupo sa sofa.

"Ano yun? Tungkol saan ba?" Tanong ko at saka umupo sa harapan niya.

"Tungkol sa kuya tanner mo at kuya traven mo." sabi niya at saka yumuko. Bigla naman akong napaayos ng upo at tinignan siya ng mabuti.

"Ano yun? Make sure na tama lahat ng mga sinasabi mo vinna."

"Okay, naalala mo noon? Diba super close natin? Kasi nga boyfriend ko si kuya tanner mo at bestfriend ko pa si ate kiesha mo."

"Oo, naalala ko."

"Sa totoo lang hindi ko naman talaga mahal si tanner, siya lang talaga ang nagpumilit sa akin na maging kami. Alam kong gaga ako kasi pumayag ako, pumayag lang naman ako kasi gustong gusto ko si traven noon. Pumayag ako kasi alam kong kapag naging kami ni tanner araw araw kong makikita ang kambal niya, kahit papano makikita ko si traven sa kanya. Hindi nga ako nagkamali kasi araw araw pumupunta ako sa bahay niyo at masaya ako kasi nakikita ko si traven. Call me slut, bitch and pretender but I don't care. Hindi ko alam pero habang tumatagal kami ni tanner nahuhulog narin ako kay traven, yeah chloe. Mahal ko na si traven habang kami pa ni tanner noon. Believe me, I tired to stop my feelings but wala eh. Si traven parin ang mahal ko." Umiiyak na sabi niya. Hindi ko alam pero gusto ko siyang sabunutan hanggat mawala lahat ng buhok niya. Tinignan ulit ako ni vinna at saka pinagpatuloy ang pagkwekwento.

"Naalala mo yun? Nung naghiwalay parents mo, nakipag hiwalay din ako kay tanner? At nalaman niyong kami na ni traven? Alam kong masakit para kay tanner yun pero kailangan kong gawin yun, ayokong patagalin pa ang mga kasalanan ko sa kanya. Nasasaktan din ako sa mga ginagawa ko sa kanya, pero kahit papano nabuhayan ako ng loob kasi nalaman ko kay traven na mahal niya rin pala ako. Naging kami ni traven at masaya ako, lahat lahat yun sinabi ko kay kiesha at masaya ako kasi naiintindihan niya ako. Tao lang ako chloe, nagmamahal." Umiiyak na sabi niya at saka yumuko.

90 Days With Him Where stories live. Discover now