Kabanata 3

9.5K 161 7
                                    

KABANATA 3 — One is enough

Pag-uwi ko ay pagod na pagod ako dahil sa celebration na naganap. Kasama ang mga staff ko, nagpunta kami sa isang exclusive restaurant kung saan sila nagpa-reserve. Hindi ko alam kung paano nila iyon nagawa pero nakuha namin ang nag-iisang private room ng restaurant na para lang sa mga VIPs. Of course libre ko ang lahat pero worth it because we had so much fun. Sobrang ingay namin nun na halos gawin na naming ktv bar ang resto. Buti nalang at hindi kami sinuway ng waiter dahil sound proof naman pala ito.

Nag-shower lang ako at dumeretso na ako sa kama para humiga. Naka-spread ang kamay at paa ko habang nag-uunat dahil sumakit ang buto buto ko sa mga naganap ngayong araw. Tumitig ako sa puting kisame. At unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Sa wakas ay mapapatunayan ko na rin ang sarili ko. I can now prove them that I can live on my own, that this job is not just a waste of time. Na hindi sila nagkamali na pinayagan nila akong abutin ang pangarap ko.

Mom and Dad always expect so much from me. Kesyo dapat maayos ang itsura ko kapag nakikita ako ng ibang tao. Kailangan matalino ako para hindi ako mapahiya sa iba. Kailangan makakuha ako ng magagandang grades sa school at kasali ako sa honor. That it would be better if I’m the best. I’m their only child and their willing to give all the best for me, even if I don’t ask for it.

“Ikaw lang ang nag-iisang Santos na magmamana ng lahat ng pag-aari namin, Ella. And when the right time comes, you’ll take over our entire company. Everything will be yours at wala ka nang hihilingin pa.”

 

Yan ang palaging linya ni Mommy at Daddy. Kaya takot na takot akong pumalpak sa harap nila. Dahil ako lang ang inaasahan nila. Dahil ako ang nag-iisang anak nila.

Bumangon ako ng kama nang mag-ring ang telepono. Inabot ko iyon mula sa side table at sinagot.

Isang buntong hininga ang sumalubong sa akin. At kilalang kilala ko na ang buntong hininga na iyon.

“Dad.” Siguradong siya nga ang nasa kabilang linya.

“Ella. We need you here.” Sinasabi na nga ba. Hindi ako kukumustahin ng ama ko kaya siya tumawag. Kailan ba naman may nangyaring kumustahan sa pagitan naming dalawa? Hindi na ko nasanay. I should get used to this.

“I’m going home, dad. Hindi mo na kailangan sabihin dahil uuwi na ako.”

 

“Really?” mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Tuwing tatawag kasi sila sa akin ay palagi akong humihingi ng extension. Pero ngayon… “When?”

“Probably next week. A certain company offered me to feature my works on their fashion event. Diyan sa Pinas gagawin so I don’t have any choice but to go there.” Hindi ko na nilagyan ng excitement ang pagsabi nun dahil masasayang lang ang effort ko. He will just ignore this news. Sasabihin nanaman niya ang famous line niyang, ‘what you’re doing is just a waste of time’.

“Wow.” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Mula sa pagsandal sa headboard ng kama ay dumiretso ako ng upo.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora