Kabanata 65

3.8K 104 7
                                    

KABANATA 65 — Sulat

Pinagpatuloy ni Vincent ang paghalik sa mga parte ng aking mukha hanggang sa labi. Nararamdaman ko ang dila niyang pilit pinaghihiwalay ang aking bibig. Ginawa ko ang gusto niya. Habang naglalaro ang kamay ko sa bewang niya ay sinusuklian ko ang malalalim na halik niya.

Mabilis niyang naalis ang pang-itaas ko pati na ang bra ko. Sumubsob ang mukha ni Vincent sa dibdib ko at rinig na rinig ko ang bawat daing niya sa ginagawa. Tumataas ang balahibo ko at nahihilo na ako sa sensasyong dulot ng ginagawa niya at hindi ko siya kayang pigilan. I love him and I want him now. Hindi ko na makaya ang pangbibitin niya sa akin lalo na nang tanggalin niya ang lahat ng pang-ibaba ko.

“Ugh, Vincent…” ungol at reklamo ko. Hindi niya ako pinansin at inintindi. Pinagpatuloy niya ang pagdampi ng labi sa bawat parte ng katawan ko. Pabalik balik sa tiyan, dibdib, leeg at pababa ulit.

Kaya naman hinugot ko ang buong lakas ko upang makabawi at ako naman ang magpasunod sa kanya. Tinulak ko siya at pumaibabaw ako sa kanya.

Gulat ang kanyang wala sa sariling mga mata. Hinagod niya ang magulong buhok at tinitigan ako sa mga mata.

Pumungay ang mga mata niya at imposible man pero napapaso ako sa titig niya. Ngumisi siya.

“Can’t wait for me, Mika?” Kinagat ko ang labi ko at tumango ako sa tanong niya. Wala nang panahon para mahiya. I really want him now!

Kagat kagat na rin niya ang kanyang labi. Umupo siya at nanatili akong nakakalong sa kanya. Nakapalibot sa bewang niya ang mga hita ko nang tanggalin niya ang kanyang sando at binaba ang boxer shorts. Nahirapan pa siya dahil nakayakap ako habang naghuhubad siya. Nang bumalik siya sa pagkakahiga ay saka na ako nagsimulang kumilos sa ibabaw niya. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong ako naman ang masusunod at ako naman ang magpapasaya sa kanya. He’s got nothing to do but watch me move on top of him.

Nahihimbing na ako ngunit nagugutom din. Naririnig at nararamdaman ko ang mapayapang paghinga ni Vincent na parang tulog na siya pero hindi dahil nagsalita siya.

“Kain na tayo? Magluluto ako.” Aniya na parang nabasa ang nasa isip ko. Nilipat niya ang kamay sa tiyan ko at hinimas niya iyon. Naramdaman niya ata na gutom na iyon.

Tumango ako. “Ipagluto mo ako.” Ulit ko sa sinabi niya. Napapangiti ako sa tuwing ganito kami ni Vincent. Sana makasal na kami para araw araw ay ganito kaming dalawa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang tumayo si Vincent at nagbihis ng kanyang sando at shorts. Nilingon niya ako saka ngumiti.

“Tatawagin kita kapag handa na.” sabi niya at saka lumabas ng pintuan.

Pinaglaruan ko ang kaninang nanunuyot kong labi. Hindi ko na naman maiwasang isipin ang sitwasyon namin ni Vincent. Masaya akong kasama ko siya. Kung pwede nga lang ay kaming dalawa na lang sa mundong ito. Pero hindi naman iyon maaaring mangyari. Kailangan ko pa rin ang pamilya ko. Kaya lang, paano ko na papakiusapan si Mommy?

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon