Kabanata 61

3.7K 76 6
                                    

KABANATA 61 — Legal

Nakarating kami sa unit ni Vincent nang parehas kaming panay ang buntong hininga. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba sa problema niya sa pamilya kaya ganoon na lang siya ngunit ang sa akin ay malinaw ang rason. Nag-iisip ako kung paano ko ito sisimulang sabihin kay Vincent. Alam kong kaya naming ipaglaban ang isa’t isa dahil may pangako kami. Pero kung may iba pa siyang mas malalim at malaking problemang dinadala, magiging mahirap ito para sa kanya.

Isang buntong hinga pa ang kanyang ginawa bago humarap sa akin. Nakalagay ang kanyang kamay sa bulsa at mapupungay ang kanyang mga mata nang ako ay tingnan.

“Sabihin mo, Mika. Anong problema?” tanong niya sa akin. Ni hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Hindi na siya nag-alok ng inumin na pabor din naman sa akin. Gusto ko na ring magsimula. Dahil gusto ko nang matapos ito kaagad. Sana nga ay matapos na.

“S-si Mommy.” Huminto ako nang manginig ang labi ko. Nagbanta ang mga luha ko ngunit hindi ako dapat bumigay kaagad dahil kailangan kong maipaliwag kay Vincent ang lahat ng malinaw at maayos.

“Anong meron sa mommy mo? Bakit natin 'to problema?” Sa mga pagtatanong ni Vincent, tila tinutulungan niya akong masabi sa kanya ang lahat ng hindi ako nahihirapan.

“Hindi na siya payag sa relasyon natin, Vincent.”

 

“What?!” agarang sagot niyang ipinag-alala ko.

Umiling ako sa kanya. “She can’t accept the fact that your family has this kind of issue, Vincent. Nang malaman niya ang tungkol sa kapatid mong si Carrive, umayaw siya dahil hindi niya raw ako gustong madamay sa problema.”

 

“Pero hindi ka naman madadamay, Mika. Hindi kita idadamay rito.” Giit niya. Sinabunutan niya ang kanyang buhok at pinasadahan ng palad ang mukha. “Akala ko maaayos na ang lahat. Kaya nga inuna kita sa kanilang lahat e. So that when the time comes na sasabihin ko na ang sikreto ng pamilya ko, wala na akong problema sa ating dalawa. Dahil maayos na tayo.” Naglakad siya nang pabalik balik sa harap ko.

“I-I’m sorry, Vincent.” Wala akong ibang masabi kundi ito. Tama siya. Inuna niya ako. Pero ngayong nalaman ng pamilya ko ang tungkol sa kapatid niya sa labas, hindi na sila sang-ayon sa amin. At dahil doon, posibleng masira na naman kami.

Huminto siya at hinarap ako. “I’ll talk to them. Sasabihin kong hindi ko hahayaang mapasok ka pa sa gulo ng pamilya ko. Papakiusapan ko sila. I will fix everything before we get married. Kakausapin ko sila, Mika.” frustrated na ang mukha ni Vincent at halata ang takot sa kanyang mga mata.

Muli akong umiling. Sang-ayon ako sa gusto niya pero hindi na ako umaasang paraan iyon para maayos ito. Si Mommy ang pinag-uusapan dito. No one can stop her. Once she had her final decision, that will never ever change.

“A-ayaw mo?” naguguluhang tanong niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now