Kabanata 39

5.3K 113 14
                                    

KABANATA 39 — Init

Panay pa rin ang pagtingin ng mga tao sa amin pero sa lahat ay mas nakakatakot ang kay Auntie Kristin. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ang pinaka nagpapanerbyos sa akin. Siguro ay dahil hindi niya inaasahan ito. Si Terrence ang pinipilit niya sa akin pero si Vincent ang umamin. Pero may pinagkaiba ba? Parehas naman niyang anak ang dalawa. Pwede naman siguro na si Vincent nalang at hindi si Terrence.

“Ma.” Tawag ni Vincent sa nanay niyang masama ang tingin sa akin.

“Vincent, this is insane. Are you telling us that you and Ella had a relationship while she’s your student?” naiiyak na ako pero pinigil ko ang luha. May kinalaman pa rin ang nakaraan namin dito? Makakasira ba 'yon sa aming dalawa ni Vincent? Pero matagal na panahon na iyon!

Tiningnan ko ang pagbubulungan ng mga taong malapit sa amin at rinig kami.

“Ma, wala kaming nilabag ni Mikaella noon. We followed the rules. Hindi kami nagpapakita sa ibang tao. Walang ibang nakaalam. Wala kaming ginagawang masama sa school. Estudyante ko siya sa loob ng klase at hindi ko siya pinaboran kailanman noon.” Pagpapaliwanag niya.

“At naging kayo nga?!” galit na si Auntie Kristin. Kung kanina ay galit na siya, mas lalo na ngayon.

 

Tumayo si Mr. Formosa at pinigilan ang asawa.

“Kristin! Maraming nanunuod sa atin.” Mahinahon ngunit maawtoridad na pagpapatigil ni Mr. Formosa kay Auntie Kristin.

Mabuti nalang at nagpapigil si Auntie Kristin. Tumaas baba ang balikat niya dahil sa malalim na paghinga.

“Isa pa… nagkahiwalay rin naman kami agad.” Tiningnan ako ni Vincent. Lumungkot ang mga mata niya nang sabihin niya iyon. “She left for France at ngayon nalang ulit kami nagkita.”

 

“So, everything was because of him, Ella.” Si Mommy ang nasalita. Hindi siya nagtatanong. Iyon ang konklusyon niya sa narinig kay Vincent. “You left because of him.” Sabi ulit niya. Umiling siya sa akin. Like she was disappointed in me.

“At nawala ka sa pagtuturo dahil sa kanya Vincent?” kinabahan ako nang marinig ang galit ni Auntie Kristin. “You’re miserable for two years because of her? Siya ang dahilan kung bakit nawala ka noon?”

 

“Ma! It’s not because of her! Sariling desisyon ko 'yon. Nagtuturo lang naman ako dahil sa kanya! Hindi ko gusto sa university kung wala siya!”

 

“And you’re telling us that it’s not because that girl?!” tinuro ako ni Auntie Kristin.

“Kristin! Watch your mouth.” Namilog ang mata ko nang magalit si Daddy sa inasta ni Auntie Kristin. “That girl you are poiting at is my daughter!”

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now