Kabanata 14

7K 113 8
                                    

KABANATA 14 — Just For Now

Bagsak ang balikat ko nang sumandal sa upuan ng kotse ni Vincent. Pinagmasdan ko siyang umikot sa labas para pumunta sa driver’s seat. Hindi mawaglit ang ngisi niya sa mukha hanggang sa makapasok na siya ng sasakyan. Kunot-noo ako nang hindi siya tinitingnan nang nasa tabi ko na siya.

“Seatbelt.” Sabi niya. Agad kong sinuot sa sarili ang seatbelt ko nang mapansin ang akmang paglapit niya sa akin. No! Hindi ikaw ang magsusuot nito sa akin. Sobra na ang lupit na dinadanas ng puso ko ngayong nasa tabi lang kita. Mas lalo pa kapag napalapit ka pa ng sobra.

Ngumisi ulit siya dahil sa ginawa ko. Umiiling siyang pinagmasdan ako kaya naman sobra ang ilang ko. Nakatagilid siya sa akin habang may kung anong tinitingnan sa mukha ko. Kitang kita ko kung paano niya ako suriin mula ulo hanggang paibaba sa gilid ng mga mata ko.

Suminghap siya. Napansin ko rin ang eksaheradong pagtaas-baba ng dibdib at balikat niya.

“Hindi pa ba tayo aalis?” masungit na tanong ko. Eh paano naman kasi ay mukhang wala na siyang ibang gagawin kundi ang titigan ako dito sa loob ng kotse niya. Yumuko ako nang mapagtantong, nakikisakay lang ako sa kanya at ako pa itong may ganang umangal.

Pero! Hindi ko naman 'to gusto. Namilit lang siya.

“Oh, sorry.” Binalingan ko siya nang isuot na niya ang seatbelt habang nakakagat ng labi. “Hindi lang ako makapaniwala na maisasakay rin pala kita dito sa sasakyan ko.” sabi niya at ini-start na ang sasakyan.

Agad akong pinagkanulo ng nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Lubos ang pagtibok ng puso ko na parang nagbubunyi ito dahil sa mga salira niya. Kung ganoon ay matagal na niyang gustong makasakay ako ng kotse niya?

“Kahapon. Sumakay ako dito kahapon, ah.” Sabi ko.

“Yeah. But it’s different.” Tumingin ulit siya sa akin matapos ay ngumiti. “Nasa tabi kita ngayon.” Kinilabutan ako sa sinabi niya. Lumakas ang pintig ng puso ko at nag-init ang pisngi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin para hindi niya iyon makita.

Gusto ko rin ang pakiramdam na nasa sasakyan niya ako. Na nasa tabi ko siya.

Lumunok ako. Nais kong malaman niya ang katotohanang iyan. Gusto kong isatinig iyan ngunit hindi pwede dahil ayokong mapahiya ako sa kanya at sa sarili ko. Nakahinga ako ng malalim nang paandarin na niya ang sasakyan. At least ngayon may iba na akong pagkakaabalahan gaya ng panunuod ng dinadaanan namin. Iyon ang ginawa ko. Kaya nga lang ay gabi na kaya wala na akong masyadong makita.

Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Vincent kanina. Sobrang panggugulo sa isipan ko ang mga salita niya. Parehas kami ng nararamdaman? Mas higit pa ang kanya? Gaano kaparehas? Kasama rin ba doon ang… pagmamahal ko sa kanya?

Pero hindi, e. Dahil naiilang lang daw siya. Iyon lang ata ang tinutukoy niya. Iyon lang din naman ang binanggit niya. Sana nga… sana hindi lang iyon. Magsisinungaling ako sa sarili ko kung hindi ko aamining umaasa akong gaya ko ay mahal din niya ako. If I were to give myself a chance to ask him what he feels for me, that is what I want as an answer. That he loves me, too. But that chance is not for me. Sinabi ko na sa kanya na ayoko. Na hindi ko siya minahal. I think I don’t even deserve it. Wala rin akong karapatang magtanong.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now