Kabanata 24

5.7K 113 10
                                    

KABANATA 24 — Kidnapped For Ransom

I still haven’t told mom and dad about my trip today. Hindi ko kasi sila nakita kagabi pag-uwi ko dahil wala pa sila rito sa bahay. Siguro pagbaba ko para sa almusal ay saka ko nalang sasabihin sa kanila. Ang sabi ni Nash ay 11am daw ay kailangan na kaming lahat sa FF building. May service na raw na maghahatid sa amin sa resort. Mas pinili ko nalang na sumabay doon kesa naman ako pa ang mag-drive mag-isa. Hindi ko pa naman kabisado ang daan at mukhang malayo iyon.

Nash also offered me na sumabay sa kanya but I didn’t agree. Ang lahat ng designers kasi na kasama ay sasakay sa service bus. Ayoko namang isipin nila na boss ko si Nash tapos sa kanya pa ako sumasabay. Buti nalang at naintindihan niya.

Nakapag-empake na ako kagabi pa. Tinulungan pa nga ako ni Nanay Linda sa pag-aayos ng mga gamit ko. Isang maliit na maleta lang naman ang dala ko. Two days lang naman kaya kaunting gamit lang ang dinala ko. I smiled when I remembered what Nash told me. I did bring a swimsuit. Gusto ko na ring ma-feel ang beach ng Pilipinas. Hindi ako madalas sa beach noong nasa New York pa ako dahil parating may trabaho. Hindi kasi nawawalan ng clients kaya naman wala na akong time para sa bakasyon. Although, Zac’s sister, Zandra is always asking me to come with her and her friends ay madalas na tumatanggi ako.

 

“Ella, ang daddy mo nasa baba na.” sabi ni Nanay Linda nang sumilip siya sa kwarto ko. Nakapagbihis na ako at ready to go na. Hinihintay ko nalang talaga na tawagin ako ni Nanay Linda dahil 'yon ang bilin ko sa kanya.

“Sige po. Susunod na ako.” Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at sinukbit na sa damit ang shades ko.

Iniwan ko na muna ang gamit ko. Mamaya, papatulong nalang ako sa mga katulong na kunin ito. 8:30am palang naman at marami pa akong oras. Kakausapin ko na muna sila Dad tungkol sa dalawang araw na pagkawala ko. Hopefully, they’ll agree. Sayang ang paghahanda ko kung hindi.

Isang simpleng maong shorts lang ang suot ko at mahabang polo shirt. Pagkarating ko naman sa FF ay sasakay na agad kami sa bus kaya hindi na ako masyadong nag-ayos pa. Naglagay lang ako ng konting make-up at itinali ko nalang ang buhok ko para simple lang tingnan. Naalala ko kasi parati ang gulat na reaksyon ni Yannie sa tuwing makikita niya ako. She always compliments me dahil daw sa sense of fashion ko. Sa tingin ko tuloy ay iyon na rin ang nakikita sa akin ng mga katrabaho ko. Ayoko naman na ma-oa-yan na sila sa akin.

Nang makababa na ako ay pinuntahan ko na agad si Daddy na umiinom ng kape sa hapag habang may hawak na diyaryo. Nagtaka ako nang wala si Mommy.

“Where’s mom?” tanong ko matapos kong maupo sa silya.

“Maagang umalis ang mommy mo. She has a 9am meeting with your Lolo.” Sagot nito. Tiningnan niya ako at tinuro ang mga pagkain. “Kumain ka na. Sabayan mo ako.” Utos niya.

“Sige po.” Pinili ko ang bacon at fried rice sa mga nakahain at nilagay iyon sa plato ko. “E bakit po hindi kayo kasama?” tanong kong muli. Most of the time kasi parating magkasama ang parents ko kapag may ganyang mga meeting.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now