Kabanata 25

5.8K 121 6
                                    

KABANATA 25 — Investment

Walang nagsasalita sa amin ni Vincent sa loob ng kotse. Konting minuto nalang at ganito pa kami, mabibingi na ako nang tuluyan dahil sa katahimikan. Pakiramdam ko rin ay nanunuyot na ang laway ko at panis na ito sa loob ng bibig ko. Panay nalang ang buka ko ng bibig para naman hindi ako matuyuan.

Kanina, nang sabihin niya ang rason ng pagkuha niya sa akin ng pilit ay labis na kaba ang dinama ko. Natahimik ako at hindi na ako nakapagreklamo pa sa kanya. Gusto ko pang magalit pero wala nang kwenta dahil nakakulong na kaming dalawa rito sa kotse niya.

Panay ang tingin ko sa kanya sa rearview mirror pero siya ay hindi manlang ako sinusulyapan. Ni hindi na siya nagsalita o nagtanong manlang kung okay lang ba ako rito sa likod ng sasakyan niya. Ganito ba talaga tratuhin ng mga kidnappers ang mga bihag nila? Walang nakikipag-usap? How am I supposed to know? Ito ang unang beses na makikidnap ako. Ni hindi ko nga alam kung iyon nga ba ang tawag sa sitwasyon ko. Wala naman akong tali sa kamay o panyo sa bibig. Pero sa itsura ko, parang ganun na rin. Parang may imaginary rope na nakatali sa kamay at paa ko. Dahil hindi ako makagalaw rito sa kinauupuan ko.

Tiningnan ko ang orasang pambisig at nakita kong lagpas isang oras na kaming nasa byahe. Naalala ko sila Nash. Naka-schedule ang alis ng service ng 11am. Paano kung iniintay pala nila ako? Nakakahiya sa kanila dahil mukhang imposible nang makasipot pa ako.

Tiningnan ko ulit si Vincent. Nakatagilid ang ulo niya habang nakadantay ang braso niya sa pintuan ng kotse. Nakahinto kami ngayon sa traffic light. Una kong naisip ang tumakas pero hindi pwede dahil sa naka-lock nang pinto na siya lang ang makakabukas.

Lumunok ako at sinubukang ibuka ang bibig. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko pero tinawag ko pa rin siya.

 

“U-uh… V-vincent.” Mahinang tawag ko sa kanya. Umandar muli ang sasakyan at hindi niya ako pinansin. Mukhang wala siyang narinig kaya inulit ko.

“Vincent.” Tawag kong muli.

“What?” kinagat ko ang labi dahil sa iritadong tono niya. Ngumuso ako.

Gusto ko lang naman makiusap kung pwede akong makahiram ng cellphone sa kanya para matawagan si Nash. Ang akin kasi ay naiwan ko sa kotse ko.

“What, Mika?” kumalabog ang puso ko sa narinig.

Talagang matinding kilabot ang naramdaman ko nang banggitin niya ang unang dalawang pantig ng pangalan ko. Ngayon ay mas malumanay na ang boses niya kaya naman nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtanong sa kanya.

“M-may trip kasi ngayon ang FF for work. Sinama ako ni Nash at… baka iniintay nila ako.” Mabagal na sabi ko.

“I already texted her. They don’t need you there. Sabi ni Carmela, nakikisali ka lang daw.” Sabi niya gamit ang matabang na tono.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon