Kabanata 50

4.8K 96 7
                                    

KABANATA 50 — Secret

Tulala ako. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatayo sa labas at tulala. Umiiyak ako pero wala na akong maramdaman na animo namanhid na ang buong katawan ko. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa bahay at sa kwarto ko. Basta nagising nalang ako kinabukasan na nakahiga na ako sa kama ko.

Agad na bumalik ang mga alaala ng kagabi. Ito na ata ang pinakamasamang nagawa ko sa tanan ng buhay ko. Ang manakit ng dalawang tao para lang sa amin ni Vincent. Hindi ko 'yon ginusto. Wala namang may gustong makasakit ng iba para lang sa pag-ibig. Hindi na sana iyon nangyari.

Kung pagsubok ito sa pag-iibigan namin ni Vincent, nagtatagumpay ang kung sino mang nagbibigay nito. Dahil nahihirapan ako sa pagsubok na binigay niya. Ang totoo, hindi ko ito kinakaya. Pinipilit ko nalang ang sarili kong gawin ang alam kong tama para sa aming dalawa ng lalaking mahal ko.

Ang sabi ko, kaya kong gawin ang lahat para kay Vincent, para sa pag-iibigan namin. Pero hindi ba sobra na ang makasakit kami ng iba para lang mangyari kaming dalawa? This is so unfair. Life is unfair. Masyado tayong binibigyan ng mga mabibigat na problema na magpapasuko sa atin. Ang natatanging lakas ko nalang ngayon ay ang pagmamahalan namin ni Vincent. Kung wala iyon, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin.

Nanlulumo akong tumayo ng kama. Ayoko naman na buong araw nalang akong humilata rito at walang ginagawa. Inisip ko ang mga dapat kong gawin. Sa susunod na linggo na ang FF fashion week. Tapos ko na ang lahat ng dapat kong asikasuhin pero naghanap ako ng pwedeng pagkaanalahan.

Napalingon ako sa tumunog kong cellphone at sa orasang katabi nito. Alas otso lang ng umaga. Maaga pa pero parang ang haba na ng araw na ito para sa akin. Wala pa nga akong nagagawa, pagod na ako.

Binasa ko ang message nang umupo ulit ako.

Vincent:

Good morning, Mika. :)

Napangiti agad ako sa message sa akin ni Vincent. Pero alam kong hindi naman umabot sa mata ko ang ngiting ginawa ko. Sa halip na mag-reply, ipinatong ko nalang ulit ang cellphone sa side table ko.

Inalala ko ulit ang kahapon. Ang daming nangyari. Ang pag-uusap namin ni Auntie Kristin, ang kamuntikan na naming gagawin ni Vincent, at ang paghaharap namin ni Terrence. Lahat ng iyon ay hindi maalis sa isipan ko. Parang sirang plaka iyon na paulit ulit na nagpe-play sa utak ko. Hanggang sa humantong ako sa iisang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon.

May gusto akong mapatunayan. Ang pagmamahal ko kay Vincent.

Kaya imbes na sayangin ko ang oras ko dito sa bahay, sinagot ko nalang ang text ng dahilan kung bakit may nabubuo na naman akong lakas ngayon.

Ako:

Good morning din, Vincent.

Kung sa bibig ko manggagaling ang dalawang salitang ito, marahil nahimigan na ni Vincent ang kalungkutan ko.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now