Kabanata 6

8.1K 156 9
                                    

KABANATA 6 – The Reason Why

Parehas laglag ang panga namin ni Vincent. Hindi ko siya matingnan sa mga mata kaya naman diretso sa dibdib lang niya nakatama ang mata ko. Malayo ako sa kanya ng ilang metro pero ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa harap ko. Totoo na nga ito. He’s in front of me and there’s no turning back. Hindi ko siya pwedeng talikuran nalang. At mukhang hindi ko rin naman iyon magagawa dahil nadikit na ako sa kinatatayuan ko. I’m stuck!

Unti-unti kong inangat ang mga mata ko para salubungin ang kanya. Nang gawin ko 'yon ay parang gusto kong tumakbo palayo. Oh. My. God. There it is… His beautiful and gorgeous eyes. But it is different from what I used to look at five years ago. His eyes are heavy. He looks tired. Wala ang masayang mata niya na nakasanayan ko noon. Ngunit may isang hindi nagbago. Dahil kahit matagal na panahon na ang lumipas, hindi pa rin nagbabago ang dating sa akin ng mga tingin niya. Nanunuot pa rin ito sa kaluluwa ko. Iyan lang ang mga matang matingnan ko palang ay kinikiliti na ang puso ko. At natutunaw na ko.

“Mikaella?” napakurap ako nang banggitin ni Manang Elsa ang pangalan ko. Pero si… Vincent, mataman pa rin akong tinitingnan gamit ang pagod niyang mga mata. Lumapit ako sa kanila. Palapit ng palapit, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.

Nakatitig ako sa kanya habang ginagawa iyon. Akala ko bibigay ako sa tingin niya pero nagulat nalang ako nang makita ang sariling nakikipaglaban sa mga tigtig niya.

Oh God. Pwede ko ba siyang mayakap? Maaari ko bang hawakan ang mukha niya para malaman kung hindi ito isang panaginip lang? Nang huli ko siyang makita, akala ko totoo na pero panaginip lang pala. At hindi ko nagustuhan ang panaginip kong iyon. Halos ipagsigawan niya sa akin ang galit niya. Na ayaw na niya sa akin at gusto na niya akong mawala sa mundong ito, sa buhay niya.

Kung totoong nangyari ang panaginip kong iyon, malamang ay patay na talaga ako dahil hindi ko kakayanin ang sakit na idudulot noon sa akin. Ayokong isiping hindi na niya ako mahal. Na hindi niya ako minahal. Sana… kung totoo man ang nangyayari sa gabing ito, ay hindi iyon kagaya ng sa panaginip ko…

“Mi… Miss Santos.” Umawang ang bibig ko. Paos ang boses niya na halos bulong nalang iyon pero rinig na rinig ko ang pagtawag niya sa akin. May kaunting kirot akong naramdaman sa puso ko. I remembered his promises.

Pinigilan ko pero nanlabo pa rin ang mga mata ko. Pinilit kong patuyuin ang luhang nagbabadya nang tumulo sa pamamagitan ng pagpikit-pikit. Kinagat ko na rin ang labi ko.

His promises meant so much to me. But tonight, isa sa mga iyon ang hindi niya tinupad. He promised me that once I graduated, when he’s not my professor anymore, he will never call me in that way again.

Pinilig ko ang ulo ko. Why would he keep that promise? Eh yung nag-iisang pangako nga niya na gusto kong tuparin niya ay hindi niya natupad.

I looked away. Kinusot ko ang mata ko para tuluyan nang mawala ang namumuong luha saka ko binalik ang tingin sa kanya.

And then I smiled at him. Pero kahit nakangiti ako, sa loob loob ko, umiiyak na ang puso ko. Napansin ko ang pag-forward niya sa akin pero huminto siya. Mataman niya ulit akong tinitigan. Kumunot pa ang noo niya at umawang ang bibig. Ako, nakangiti lang.

“H-hi…” nanginig ang boses ko pero salamat nalang at nakapagsalita pa rin ako.

“Kilala ninyo ang isa’t isa?” tanong ni Manang Elsa habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

Mas lalo akong ngumiti. Ayokong mapansin nila ang kahinaan ko. Ayokong maramdaman nila ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ayokong mabasa nila ang sakit. No, I will not let him see that.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon