Kabanata 27

5.6K 122 12
                                    

KABANATA 27 —  Start 

“W-wha… Paano? A-anak siya ng mga magulang mo, V-vincent?” hindi ako makapaniwala. Tama siya! Ang tanga ko at nagkamali ako! Ako nga ang may kasalanan at hindi siya!

Umayos si Vincent. Inalalayan niya akong makatayo at pinaupo ako sa bench ng gazebo. Inayos niya ang nagulo kong buhok at isinukbit iyon sa likod ng tenga ko.

Umiling siya matapos ay nagsalita. “No, Mika. Just my father. Anak siya sa iba ni Papa.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Kung ganoon ay hindi si Madam Kristin ang nanay ng bata? Tama ang naisip kong ang kasama nilang babae noon na nakita ko ay ang ina ng batang si Carrive. Half brother ito ni Vincent at Terrence. Anak ito sa labas ni Mr. Formosa, ang tatay nila. Alam ba ito ni Madam Kristin?

“Vincent…”

Nag-igting ang bagang niya at tumingin siya sa malayo. “He had an affair with another woman.” Malamig na sabi niya.

Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata at ang pait sa boses niya ay hindi niya naitago.

“Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa. Wala kaming alam sa mga nangyayari sa kanya. I thought he was a good man. A good father and a good husband. Until, one day, may lumapit sa akin na babae.” Nanigas ang panga niya at kitang kita roon ang panggigigil niya. “Sinabi niyang nabuntis siya ni Papa at nanganak na siya. She said she doesn’t want anything. She can support the child. But she wants my father to recognize the child. Gusto niyang dalhin ng bata ang pangalan ng tatay ko.” pumikit siya at sunod sunod na umiling.

“A-anong ginawa mo? Kinilala ba siya ng Papa mo?” Nagpapaliwanag sa akin si Vincent pero nakikita kong nahihirapan siya.

Kanina, alam kong hindi niya malaman kung saan siya dapat magsimula. Kaya nga humingi muna siya ng tawad sa akin. Kaya ang kaya ko lang gawin ngayon ay magtanong sa kanya. Kailangan ko ring mag-ingat sa mga salitang pipiliin ko. And I also want to comfort him.

Gusto ko siyang tulungan. Kung kapatid niya ang bata, kung nagkasala ang tatay niya sa pamilya nila, ibig sabihin ay mabigat ito para sa kanya. Nararamdaman ko ang galit sa kanya. Lumalabas iyon mula sa kanya at pati ako ay nahahawa niya. Nagagalit ako para sa kanya. Mahirap ito para kay Vincent dahil siya ang panganay at siya ang unang nakaalam.

And this is unfair for him! Bakit siya lang ang nagdadala nito? Isang sagot ang tumining sa isipin ko. Iniwan ko kasi siya at wala ako sa tabi niya noon. Sana kung kasama niya ako, sana kung nagtanong ako, sana kung may ginawa ako, natulungan ko sana ang lalaking mahal ko.

“No.” nagulat ako sa sinagot niya.

“Hindi?” ulit ko sa sinabi niya at tumango siya.

“What happened to the child?” tanong ko sa kanya. Naawa ako sa bata. Walang karapatan ang nanay pero ang bata…

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now