Kabanata 40

5.8K 111 14
                                    

 WARNING: SPG. 

--- 

KABANATA 40 — Bilis

Airconditioned ang sasakyan ni Vincent pero pinagpapawisan pa rin ako sa init. Ako lang ba ito o pati si Vincent ay nararamdaman din ang kalagayan ko?

Narinig ko ang pagsinghap niya at pinaypayan niya ang mukha niya. Namumula siya at nakita ko ang pagdaloy ng butil ng pawis galing sa sentido niya.

Gusto kong sampalin ang sarili ko sa nasabi ko kanina. Parang ako pa ang nanghiyakat sa kanya na pumunta sa bahay niya at doon namin ituloy ang sinimulan. Ngayon lang nagiging malinaw sa akin ang lahat. Kagat ko ang labi at napahawak sa leeg kong init na init na ngayon. Hindi ko na ulit mabaling ang ulo kay Vincent dahil sa hiya ko sa kanya.

Tiningnan ko ang labas ng bintana at papasok kami ngayon sa parking lot ng isang mataas na building. Sumulyap ako kay Vincent na busy sa pag-ikot ng manibela para lumiko hanggang maka-park na ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero pansin ko ang pagmamadali niya sa ginagawa. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka dahil ito sa nangyari kanina. Ano kayang iniisip ni Vincent ngayon? If only I could read his mind.

Lumabas siya ng kotse nang hindi ako binabalingan. Umikot siya at ilang saglit lang ay nakabukas na ang pinto kung saan ako lalabas. Hindi siya nakatingin sa akin. Madilim ang parking at ilang ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag kaya hindi ko mapansin kung anong reaksyon ng mukha niya. Tumabi nalang tuloy ako sa kanya at naghintay ng susunod na gagawin.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya. Napapansin ko na kasing wala siya sa sarili.

“S-saan tayo?” tanong ko sa kanya. Inangat ko ang mukha ko at hindi pa rin niya ako tinitingnan.

“Sa condo ko. Akyat tayo.” pagkasabi niya nun ay nilagay niya ang kamay sa braso ko at iginiya ako papuntang elevator.

Nasa pang labindalawang palapag ang condo unit ni Vincent at nang makarating kami roon ay wala pa rin kaming imikan. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya at pinauna niya ako sa loob nang mabuksan na ang pinto.

Inikot ko agad ang paningin sa malaking condo unit niya. Panay itim at puti lang ang kulay ng mga gamit. Very manly. May malaking abstract painting na nakasabit sa living room nito at over looking na bintana na gawa sa salamin.

Pagtingin ko sa kanya ay natanggal na niya ang coat niya at hinagis niya iyon sa itim na upuan ng living room.

“N-nagugutom ka ba—” pagtingin niya sa akin ay parang nagulat siya sa nakita. Nakababa ang mukha niya sa leeg ko at nakapamewang na pinunasan niya ang kanyang bibig. Parang may masamang nangyari.

“Bakit?” tanong ko sa kanya at kinapa ko ang leeg ko. Paghaplos ko roon ay naramdaman ko ang maumbok na parte sa bandang gilid ng leeg ko. Napalunok ako sa naisip.

Namula si Vincent at nag-iwas ng tingin. Agad akong naghanap ng salamin na pwede kong matingnan ang sarili at nanlalaki ang mata ko nang mabaling ako sa isa. Namumula ang leeg ko at parang may kumagat doon!

“S-sorry, M-mika. M-mawawala rin 'yan.” kagat kagat ni Vincent ang labi niya nang tingnan ko ang repleksyon ng mukha niya sa salamin.

Napalunok ulit ako at kinapa iyon. Walang masakit. Hindi iyon masakit. Pero naasiwa ako na may ganun ako sa leeg.

Kumurap kurap si Vincent at may kung anong tiningnan sa kaliwang bahagi ng kanyang unit.

“W-want a drink? W-water? Juice?” sinundan ko siya nang papunta siya ng kusina. Binuksan niya ang ref at naglabas doon ng isang pitsel ng tubig. Nakita ko ang pag-alon ng tubig sa babasaging pitsel. Tiningnan ko si Vincent at halata sa mukha niya na hindi siya makali.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now