Kabanata 42

5K 107 8
                                    

KABANATA 42 — Makalimot

Iritado pa rin ako hanggang sa sunduin ako nila Zac at Nerissa. Mabuti nalang at hindi nila masyadong pansin ang inis ko. Nasa likod si Nerissa at nasa front seat ako katabi ni Zac. Minsan kinakausap niya ako para magtanong sa mga nangyari ngayong araw at sasagot naman ako. Minsan naman ay tahimik lang kaming tatlo.

Nagpahatid na muna ako sa bahay namin para naman makapagbihis ako ng mas presko kesa rito sa soot ko. Ewan ko sa sarili ko pero kapag nakikita ko ang soot ko, mas lalo akong naiirita sa sarili ko. Naisip ko rin na magpaalam kayla Dad kung nadoon man sila. Hindi pa kasi nila ako nakikita mula kagabi pa.

Para akong tanga dahil sa mga naiisip ko. Hindi ba’t ito naman ang gusto ko? Ang mawala ang takot ni Vincent at magkaroon na siya ng tiwala sa akin na hindi ko na siya kailanman iiwan pa? Pero bakit nang maramdaman ko na panatag na siya ay hindi na ako mapakali? Ako naman ang natakot dito? Hindi ako naiirita kay Vincent kundi sa sarili ko. Ako itong nag-aalala ngayon para sa amin. Alam ko kung gaano ako kamahal ni Vincent pero sa pinakita niya ngayon, may parte sa akin na natakot na baka mababaw lang ang pagmamahal niya dahil kaya niya akong hayaang mag-isa sa lalaking minsan nang nagkagusto sa akin.

“We’re here, Ella.” Napansin ko na nasa harap na ng double door ng bahay namin ang kotse ni Zac. Ngumiti ako sa kanya.

“Hindi ko napansin, pagod siguro.” Sabi ko at akmang bubuksan ang pinto.

“You still wanna come?” tanong niya. 

Parehas kaming lumingon kay Nerissa at tahimik lang sa likod at nakangiti.

“Of course. Na-miss ko kayong dalawa pati si Cody. Next week I will be very busy. Hindi ba, Nerissa?” tumango si Nerissa. Ngumisi ako kay Zac. “Kaya I want to bond with you guys kahit ngayong gabi lang.” pagkasabi ko nun ay tumango si Zac at mapupungay ang mga matang nginitian ako.

“Alright. We’ll wait for you here.” Pagkasabi nila noon ay lumabas na ako ng sasakyan.

Hindi ko na sila maaya sa loob kahit gusto ko. Kapag kasi nakita sila nila Mommy baka matagalan lang kami rito. Next time ko nalang ipapakilala si Zac sa nanay ko.

Dumiretso ako ng kwarto ko. Wala akong nakitang ibang tao maliban sa dalawang katulong namin. Si Nanay Linda ay hindi ko nakita kanina. Mukhang wala rin sila Mommy dahil tahimik ang bahay. Ito pa naman ang oras ng hapunan nila. Baka nasa business trip nanaman silang dalawa ni Daddy.

Bumaba ako na soot ang isang purple dress na hindi gaanong aabot sa tuhod. Naka pumps na din ako ngayon at may hawak na purse para sa ilang gamit ko.

“Mikaella!” nilingon ko si Nanay Linda. Patakbo siyang lumapit sa akin nang may nag-aalalang mukha. “Saan ka nanggaling? Hindi ka umuwi kagabi.” nag-init ang pisngi ko sa tanong niya.

Hindi ko pwedeng sabihin na kay Vincent ako natulog dahil hindi pa naman niya ito kilala. O baka kilala na niya ito pero hindi ko pa nasasabi sa kanya ang relasyon naming dalawa.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now