Kabanata 35

5K 95 7
                                    

KABANATA 35 — Agresibo

Ang pinag-uusapan nila Daddy na Vergel ay si Mr. Vergel Formosa pala na tatay ni Vincent. Hindi ko iyon alam dahil hindi pa nababanggit sa akin ni Vincent ang pangalan ng kanyang ama.

Nalaman ko ito nang sabihin sa akin ni Daddy ang tungkol sa ginawa ni Vincent. Hindi raw siya makapaniwalang kaya itong gawin ng anak ng isang Vergel Formosa.

Hindi ko siya mapigilang maisip. Kung ganun, si Mr. Vergel Formosa ang asawa ni Auntie Kristin at siya rin ang… tatay ng batang si Carrive.

Paminsan minsan ay naiisip ko ang bata. Kumusta kaya ito? Pwede ko kaya itong makilala? Kahit na hindi naman dapat ako nangingialam may palagay akong nakokonsensya ako lalo na kapag nakikita ko si Auntie Kristin. Wala siyang alam dito, iyan ang sabi ni Vincent. Pero ako, alam ko.

Naiisip ko ang bata sa tuwing nakakausap ko si Auntie Kristin, gaya nalang ngayon.

“Ella, you’re father invited us on your company’s foundation day.” Sabi ni Auntie Kristin.

Break time ngayon at lahat ng staff dito sa hall ay nasa canteen na at kumakain. Kami nalang ata ni Auntie Kristin dito sa hall kung nasaan ang mga tinatahing damit. Tinatapos ko ang mga detalye ng isang gown. Pangalawa ko na ito sa araw na ito. Tatlong gowns pa at tapos na lahat.

Ngumiti ako sa kanya. “Sabi nga po nila.” Simpleng sagot ko sa kanya. Tinahi ko ang swarovski na kinakabit ko sa gown.

“How’s your grandfather, Ella? I heard na inatake siya sa puso?” lumapit si Auntie Kristin sa akin at may alala sa kanyang mukha.

“He’s okay now. Nakauwi na rin po siya ng bahay.”

“That’s good. Makakapunta ba siya bukas?” tanong ulit niya sa akin. Hindi ko nanaman maintindihan ang mga pagtatanong ni Auntie Kristin pero sumasagot nalang ako. I don’t wanna be impolite.

“Opo. He’ll do the opening speech.” Sabi ko ulit sa kanya.

Tumahimik si Auntie Kristin at nagpatuloy sa ginagawa. Kagaya ko ay siya rin ang gumagawa ng finishing details ng mga gown na siya ang nag-design. Kahit papano, may pagkakapareha kami ni Auntie Kristin base na rin sa nakikita ko sa kanya. Minsan na rin niyang nasabi ito sa akin.

Nadako ang pag-iisip ko kay Vincent. Tumingin agad ako ng babaeng nagsilang sa kanya. Napangiti ako at umiling sa sarili.

That man, just like what my father said, is really insane. Anong pumasok sa isip niya at isusuko niya ang lahat ng kayamanan niya sa tatay ko para lang makuha ako? Maiisip ba naman iyan ng isang matinong tao? Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin at mapangiti sa tuwing iisipin ko na kayang gawin iyon ni Vincent para lang sa akin.

Hindi ko pa siya nakakausap mula nang gabing itakbo namin ni Lolo sa ospital. Nawala na rin kasi ang isip ko nun sa kanya dahil sa labis na pag-aalala kay Lolo. Pero madalas ang pagte-text at pangungumusta niya sa akin. Minsan ay tatawag lang siya para tanungin kung kumain na ba ako at kung kumusta ang araw ko. Kung naiisip ko ba siya at kung masaya ba ako dahil tumawag siya. Simple things but it really makes me happy. Somehow, nakukumpleto ang araw ko kahit hindi ko siya nakikita.

Inayos ko ang mga gamit ko habang sinisilip ang bintana ng opisina ko. Madilim na at kita na ang maliliwanag na ilaw na nanggagaling sa iba’t ibang building. Uuwi na ako at ang sabi ni Mommy, may gagawin daw kaming dalawa ngayong gabi. Alas-sais imedya na at isang oras nalang ang natitira para makaabot ako sa usapan naming dalawa.

Mabuti at marami akong natapos ngayong araw. Bukas kasi ay hindi ako makakapasok.

Pinilit ako ni Mommy na 'wag na munang pumasok ngayong araw ngunit kailangan dahil sa rami ng gagawin ko. Dalawang linggo nalang ay gaganapin na ang FF fashion week. Gahul na gahul na ang lahat sa oras kaya naman wala nang time para um-absent at gumawa ng bagay na hindi naman related dito. Isa pa, araw ng trabaho ko ngayon kaya wala silang magagawa.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now