Kabanata 26

5.7K 123 18
                                    

KABANATA 26 — Son

Nung una, akala ko ay tinatawag lang ako ni Vincent. Akala ko ay sinasabi niya lang sa akin na ito ang villa nila. Pero nang makita ko ang pangalan ko na nakaukit sa pader sa itaas ng nakabukas na double wooden door, saka na ako namamanghang napatingin kay Vincent.

“V-vincent, ano 'to?” tanong ko sa kanya habang nakaturo sa mga letrang nakaukit.

Nakalimutan ko na ang naging usapan namin kanina dahil sa gulat nang mabasa ang pangalan ko. Villa Mikaella, iyon ang salitang nakaukit gamit ang malalaking letra.

Lumingon siya sa akin ng nakangiti. Sa unang pagkakataon, sa araw na ito, nakita ko ang totoong ngiti ni Vincent. Kanina kasi ay kung hindi malungkot ay pilit lang ang mga ngiti niya. But now, his smile is sincere and genuine.

Bumalik siya sa akin at nang makalapit ay hinawakan niya ang kamay ko.

“I hope you liked it, Mikaella. This…” tinuro niya ang buong villa at ang kapaligirang nakapalibot dito. “Is all yours, Mika.” Napabitaw ako sa hawak niya sa akin.

“Ano?!” malakas na sigaw ko.

Nakanganga akong pinalibot ang tingin sa buong lugar. Mula sa malaking mansyon sa harap ko hanggang sa tanawing natatanaw ko. Ang laki ng lupaing pumapalibot dito. Ni hindi ko ito napansin kanina nung parating kami rito. Kaya naman talagang nagulat ako. This place just took my breath away. Magara ang bawat detalye na nakapaligid sa bahay. Mula sa marmol na tinatayuan ko hanggang hangin dumadamipi sa akin, talagang perpekto. Every sigle detail screamed wealth and elegance. And this place was named after me! This is mine? This is really mine?

Nakangisi lang si Vincent nang ibalik ko ang tingin sa kanya. Ang lalaking ito! Anong nasa isip ng loko lokong ito at sa akin daw ang lugar na ito?!

“Let’s come inside?” nilahad niyang muli ang kamay para mahawakan ako pero tinitigan ko lang iyon. Bumalik ang nagtatanong kong mga mata sa kanya.

“What is this, Vincent? Bakit Villa Mikaella? Bakit sa akin nakapangalan? This is mine? Bakit?” sunod sunod na tanong ko.

Napakarami ko pang gustong itanong sa kanya. Maraming marami pa pero hindi ko alam kung paano ko itatanong iyon lahat. Kaya ito nalang muna. Gusto ko lang munang maliwagan tungkol villa na ito na nakapangalan sa akin.

“Simple, Mika.” Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

Napansin ko kaagad ang pagkislap ng mga mata niya sa likod ng mahahabang pilik niya.

“Napakasimple lang ng sagot sa lahat ng tanong mo. It’s because I am yours. And everything that I have is also yours. Akin 'to. Kaya iyon na rin ito, Mika.” Tumaas ang gilid ng labi niya at muling kumislap ang mga mata niya. “Tinatanggap mo ba?” Malambing na tanong niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now