Kabanata 64

3.8K 87 3
                                    

KABANATA 64 — No Rest

Nakapikit ako pero may mga boses akong naririnig. Hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil ang sakit sakit nito. Hindi ko malaman kung ito ba ang masakit o ang ulo ko.

Lahat na yata ay kumikirot sa akin. Ang ulo ko, mata, katawan. Pero may isang namamanhid at hindi ko maintindihan kung aling parte iyon ng katawan ko.

“Is she okay?” narinig ko ang pamilyar na boses. Agad na nagising ang dugo ko pati ang buong sistema ko. That’s Vincent.

“Over fatigue, Mr. Formosa.” Narinig ko pa ang isa pang pang matanda at lalaking boses. “Not getting enough sleep, not eating well, tired, and exhaustion are the main causes. Napagdaanan ba iyon ni Miss Santos nitong mga nakaraang araw?”

Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko talaga magawa. Malabo ang paningin ko nang dumilat ako.

“I-I… I guess…” sagot ni Vincent. Naintindihan ko ang pinag-uusapan nila at alam kong tungkol sa akin iyon.

Naalala ko ang nangyari kanina. Bigla na lang akong nawalan ng malay at ang huling alam ko ay nasa gate kami ng bahay namin. Wala na akong matandaang iba. Siguro ay nasa ospital ako ngayon. Nararamdaman ko ang pagod ng katawan ko at ang sinabi ng doktor ang sa tingin kong dahilan noon.

“I see. Well, she’s fine now. She just needs to rest to gather her strength. Pwede mo na siyang iuwi or you could stay here in the hospital.” Sabi pa ng matanda.

May narinig ako na malalim na paghinga. Buntong hinga iyon at nang balingan ko si Vincent ay nakatalikod na pigura niya ang nakita ko. Panay ang pagtaas-baba ng balikat niya. Malalim ang hugot niya ng hinga.

Nilipat ko ang tingin sa doktor na nasa harap niya. Matandang lalaki iyon at ngumiti siya nang makitang gising na ako.

“Mika!” utas ni Vincent nang lumingon siya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit hindi ako mahawakan. “A-are you o-okay?” tanong niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

Tumango ako sa kanya. “Mm-hmm.” Sagot ko. “I-I’m okay…” paos ang boses ko at halos wala nang lumabas na tunog mula roon.

Kumunot ang noo ni Vincent at pumikit siya. Hinawakan niya ang isang kamay ko at nilagay iyon sa pisngi niya. Nakita ko ang doktor na tumango at saka lumabas ng pintuan.

“I.. I thought I was gonna lose you.” Sambit ni Vincent. Punong puno iyon ng takot at pagsisisi. Nakapikit pa rin siya. Nakakunot ang noo niya at makita pa lang siyang ganyan ay nananakit na ang loob ko.

Lumunok ako upang kapag nagsalita ako ay marinig niya iyon. “I’m not going anywhere, Vincent. You’re not gonna lose me.” Sinabi ko ang pangako kong iyon sa kanya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now