Kabanata 32

5.3K 94 4
                                    

KABANATA 32 — Panganib

Magkatabi kami ni Vincent na nakasandal sa sasakyan niya. Ito pa ring itim na benz na gamit niya kahapon ang nandito ngayon.

“Nasaan na 'yong ford mo?” tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang gilid ng sasakyan. Ang kintab nito at wala pa ni isang gasgas o yupi.

“Nasa bahay.” Sabi niya. “Bakit?”

“Wala lang. 'Yon ang sanay akong gamit mo e.” humalukipkip ako para matakpan ang katawan kong nilalamig.

Naalala kong mula nang makita ko si Vincent sa FF at malaman ang sasakyang gamit niya, parati ko na iyong hinahanap sa parking ng FF building. Hinahanap ko para handa ako sa gagawin kong pag-iwas. Para alam ko kung kailan ako magmamadaling umalis. Dahil nga sa hindi pa kami maayos noon, ang tanging gusto ko lang ay makaiwas sa kanya.

Narinig ko ang ngisi niya. “Naisip kong 'wag nang gamitin 'yon lalo na nung tinatakasan mo ako nung isang araw.” Sabi niya na nagpabaling sa akin sa kanya.

Bakit ba kilalang kilala na ako ni Vincent?

“You know that it’s my car. Ngayon, kapag nakita mo 'yon, umiiwas ka. Kaya nga kahapon, itong bago ang ginamit ko.”

“You mean, bumili ka pa ng bago—” umiling siya na nagpatigil sa akin.

Tumawa siya. “Hindi. Matagal na sa’kin 'to. 'Di ko lang ginagamit kaya bago pa rin. Mas komportable kasi 'yong isa kesa rito.”

Napangisi ako. “Marami ka ring paraan e 'no?” biro ko sa kanya.

“I told you I’ll do everything, Mika. Just so I can explain to you.” Nagkatitigan kaming dalawa. At gaya nang madalas mangyari, ako ang unang bumitaw.

Napansin ko ang pagtanggal niya ng kamay sa bulsa.

“Bakit kapag tumititig ako sa’yo, namumula ka at umiiwas ng tingin?” mapanuyang tanong niya.

Magkasalubong ang kilay niya nang sulyapan ko siya. Umiwas ulit ako.

Inisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang dahilan.

“Naiilang ako sa mga mata mo.” Inilingan ko ang sarili. “Eversince, 'yon na nararamdaman ko tuwing tititig ka sa akin.”

Wala na rin naman kwenta kung lulusot pa ako. Magsasabi nalang ako ng totoo.

Napansin ko ang pagtaas ng labi niya. Uminat siya at nagpakawala ng malakas na hinga.

“Ba’t ka ngumingiti diyan?” tanong ko sa kanya dahil panay ang iling at ngiti niya sa sarili.

“Nothing.” Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan iyon. “Hindi ko alam na 'yon din pala ang epekto ko sa’yo, Mika.” Sabi niya. Tiningnan niya ako. Hawak pa rin niya ang kamay ko.

“Ngayon alam mo na.” ngumiti ako at dumila sa kanya. Natawa siya sa ginawa ko.

“Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil tuwing tititigan mo ako noon. Kahit hanggang ngayon.” Sabi niya na nagpatindig ng balahibo ko.

Paos kasi at ang lambing ng boses niya. Lumipat siya sa harap ko kaya naman nakulong ako sa kanya. Nakasandal ako sa kotse at siya naman ay nakahilig sa akin. Ang mata ko ay diretsong tumingin sa leeg niya.

“Always remember this, Mika. If you want me to kiss you, just stare at me. 'Yon lang at mahahalikan mo na ang mga labi ko.” agad nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now