Kabanata 47

4.4K 104 13
                                    

KABANATA 47 — Lakas

Malakas pa rin ang tibok ng puso ko kahit na ilang minuto na akong nakasandal sa pintuan ng hotel room ko. Kanina pa ako nandito at kanina ko pa rin hindi alam kung ano nang nangyari kay Terrence.

Nang tumakbo ako kanina ay laking pasalamat ko at may nakasalubong akong tricycle sa daan. Malapit lang ang hotel kaya nakiusap ako sa driver na ihatid nalang muna ako rito at ipapaabot ko nalang ang bayad sa isang hotel staff na pwede kong mautusan. Naiwan ko ang bag ko sa kotse ni Terrence at ayaw ko nang bumalik pa sa kanya para lang makuha ko iyon.

Maraming sinabi si Vincent sa akin bago niya tinapos ang tawag. Dapat daw na mag-ingat na muna ako sa kapatid niya. Ang sabi niya, kahit kapatid pa niya ito, kung ako ang pinag-uusapan ay nawawalan siya ng tiwala rito.

Hindi ko nilingon si Terrence nang tumakbo ako palayo sa kanya kanina. Wala rin akong narinig na sigaw niya upang pahintuin ako. Marahil hindi na niya ako hinabol sa kabila ng masasamang tingin niya sa akin nang akmang aalis na ako. Natakot ako noon. That was the first time I saw him like that. Lahat ay una at bago. Parang ibang Terrence ang kasama ko sa buong maghapong ito.

Sinilip ko ang bintana at gabi na. Wala pa rin si Vincent. Ang sabi niya malapit na siya pero wala pa rin siya.

Napaigtad ako sa kinasasandalan nang may malakas na kumatok sa pinto ng hotel room ko. Bubuksan ko na sana iyon nang ibang boses ang marinig ko.

“Ella! Open the door! Please open the door! We still need to talk. I still have so many things to tell you.” Sigaw ni Terrence sa labas. Rinig na rinig ko ang hirap sa kanyang pagsasalita. Umiiyak pa rin ba siya hanggang ngayon?

Tinakpan ko ang tenga ko pero walang silbi dahil naririnig ko pa rin siya.

“Please, Ella.” Pahina ng pahina ang boses. Pakiramdam ko, nakasadlak na siya sa sahig gaya ng itsura ko. “Mahal na mahal kita.”

Umiling ako at hindi sumagot. Hindi pwede Terrence. Hindi ikaw ang mahal ko. Mahihirapan ka lang. Hindi mo ako pwedeng mahalin. Parehas kayo ni Zac. Hindi niyo ako maaaring mahalin dahil si Vincent lang ang nagmamay-ari at kayang mahalin ng puso ko.

“I know you’re in there… Alright. Hahayaan kong diyan ka nalang. Kahit 'wag ka nang lumabas. Just listen to me, huh? Please listen to me.”

Nilingon ko ang pintuan. Matagal akong naghintay ng susunod na sasabihin niya. Tahimik na sa kabila at tanging anino lang na nakikita ko sa ibaba ng pinto ang nagsasabing nandoon pa rin siya.

“Mahalaga sa akin ang kapatid ko, Ella. He is my family. Of course he’s important to me. Pero iisipin ko pa rin ba 'yon kung ako na ang nasasaktan dito? Gayung alam kong ako naman ang naunang nagmahal sa’yo?” Hindi ko napigilang mapaluha sa sakit ng bawat pagbigkas ni Terrence ng mga salita niya.

Hindi pa rin ako sumagot.

“It was so long ago, Ella. Bago mo pa siya makilala at maging professor, mahal na kita. I just can’t go near you and just tell you how I feel for you because I am damn scared. Hindi mo pa ako kilala noon at baka hindi mo ako paniwalaan and worse matakot ka sa akin. So I decided to just keep my feelings for a while and then wait for the right time.” Tumikhim siya at hindi nakalagpas sa panrinig ko ang isang hikbi niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now