Kabanata 49

4.5K 95 5
                                    

KABANATA 49 — Try

Salita ng salita si Vincent sa gilid ko pero tulala pa rin ako habang iniisip kung paano ko sisimulang kausapin si Terrence at papakiusapan siyang hayaan na kami ng kapatid niya.

Laman pa rin ng utak ko ang mga salita ni Auntie Kristin. Paano kung hindi ko ito maayos? Anong gagawin niya? Paglalayuin ba niya kami ng panganay niya? Hindi pa ako sigurado sa mga susunod na mangyayari pero mabuti na ang maingat. Dahil kahit kailan, ayoko nang paglayuin pa kaming dalawa ni Vincent. At isa pa, may pangako na kami sa isa’t isa…

“Mika…” napatingin ako sa tumawag sa akin nang may blankong ekspresyon. Namuglat ako at napakurapkurap sa nag-aalalang mga mata ni Vincent. Wala sa sariling binalingan ko ang labas at napansin kong nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay namin.

“Huh?” wala pa rin sa sariling tanong ko sa kanya. Napalunok ako dahil hindi ko malaman kung anong isasagot. Nagsalubong ang kilay niya at tumagilid siya upang makaharap sa akin.

“Something wrong?” sinandal niya ang braso sa headrest ng upuan.

Umiling agad ako bilang pagsisinungaling. Hindi na ito kailangang malaman pa ni Vincent. “Just tired.” Simpleng sagot ko. Ngumiti ako upang maitago ang kung ano mang pwedeng mabasa ni Vincent sa akin ngayon.

“Nandito na tayo. Ni hindi mo napansin 'yon. Hindi mo rin ako pinagkikinggan kanina.” Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya.

Naghanap ako ng mga tamang salita kung saan hindi ako mahahalata. Vincent should not know anything about what I am going through right now. Hindi na kailangan. Ang gusto ko nalang ay 'yong alam ko parati na mahal niya ako dahil 'yon lang naman ang kailangan ko.

 

“Mika, are you really tired? Ibig sabihin, hindi na tayo matutuloy bukas?” tanong niya na ikinatingin ko sa kanya. Nagtaas ako ng kilay at umawang ang bibig ko. Nagtatanong ang itsura ko dahil wala akong maalalang may usapan kami para bukas.

“Right. You were not listening.” Umiling siya at tumaas ang gilid ng labi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nilapitan ako upang halikan sa noo. Saglit siyang tumitig sa akin bago nagsalita ulit. “Yinayaya kita bukas, Mika. Do you still remember Carrive? I wanted you to meet my brother, Mika.” Ngiti niya saka hinaplos ang pisngi ko.

Napapikit ako sa ginawa niya. Yeah. This is just what I needed. Simpleng maramdaman ko lang ang pagmamahal sa akin ni Vincent, ayos na ang lahat.

Tumango ako at ngumiti rin. “Tomorrow?” Sabado bukas at walang trabaho. “I can meet him tomorrow.” Tango ko.

Medyo lumayo siya sa akin at tiningnan ako nang mataman sa mata. “But you said you were tired. Maybe next time. May ibang araw pa naman, e.” aniya habang pinaglalaruan ng mga daliri niya ang balikat ko.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now