Promise Magkikita Tayo Muli Part 6

10K 81 8
                                    

Ang buhay kolehiyo ay nalalapit na... at ito na rin ang panahon kung kailan ko makikita muli si Kuya Hans...


Ang nangyari noon...


"Promise... magkikita tayo ulit..." ang mga huling salita na aking narinig mula sa kanyang mga labi nang nasa terminal kami sa airport. "Ma'am, sir, maraming salamat po." Sabi niya at tumango sila nanay kay Hans. "Promise ah..." bigkas ko ng may mga luha na dumadaloy sa aking mga mata.


Masakit... masakit tingnan na yung mahal mo ay aalis na ng bansa para magtrabaho, "Wag ka na umiyak... ilang taon lang naman ako eh. Hahanapin kita pagbalik ko..." pagpangako niya ng unti unti siyang nawawala sa aking paningin.


Gusto kong isigaw... gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano ko siya kamahal, mahal na mahal kita... please, wag ka na umalis... please...


"-Ah!" Bigla akong napaupo sa aking kama habang hinahabol ang aking hininga. "..." Hinawakan ko ang aking ulo... yung panaginip nanaman na yun. Kinapa ko ang ibabaw ng cabinet na katabi ng kama.


Ilang sandali pa ay tiningnan ko ang aking phone para malaman ang oras. Isa't kalahati pa bago ko kailangang pumasok kaya naghanda na ako ng aking almusal at nag-ehersiyo. Nakatira ako sa isang apartment na may pagkalaki, pero ako lang mag-isa ang nandito.


Pagkatapos kong mag-almusal at maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Nakatingin ako sa full-body na salamin at habang binubotones ko ang aking polo ay bigla kong naalala, "Parang maganda kapag slim fit ka, basta pagpatuloy mo lang yung pag-eexercise..." ang bigkas ni kuya Hans noon.


Yinakap ako ng lungkot ng maalala ko siya. Yung ngiti niya lamang ang aking natatandaan...


Nang inayos ko na ang aking gamit ay nagtungo na ako sa unibersidad. Unang araw ko ngayon, at nang naglalakbay ako ay kinamusta ako ni nanay sa text. At nagtext ako pabalik na okay naman, papunta na ako ng school. Pagpasok ko sa campus ay dumeretso na agad ako sa aking building.


La Universidad de Xzavier ang aking unibersidad, ang structure ay parang katulad ng sa UST, pero mas maliit ng kaonti ang campus namin. Habang naglalakad ako, may ilan akong mga nakitang mga mata na nakatitig sa akin habang naglalakad patungo sa aking building.


Hindi ko alam kung bakit sila nakatitig at para bang pinag-uusapan ako. Nang makarating na ako sa aking building ay tumungo na ako sa room at umupo sa bakanteng upuan. Ilang sandali pa ay, "Hi!" Ang bati sa akin ng isang lalake at umupo. "Gab." Pagpapakilala niya at inalay ang pakikipagkamayan sa kanya.


"Dave." Pagpapakilala ko ng nakipagkamayan ako sa kanya.


"Napansin ko kanina nung naglalakad ka, pinagtitinginan ka ng mga tao. Parang alam ko kung bakit." Bigkas niya. "Ha? Bakit?" Tanong ko naman. "Ito oh." Sabi niya sabay hawak ng isang keychain na nasa aking bag, yung keychain na kasama sa consolation prize na aking natanggap sa isang painting contest.


Nang natandaan ko ito sabi ko, "Ah oo. Nakuha ko yan nung 4th year ako. Unang beses kong sumali sa contest." Sabi ko. "Tapos ito pa!? Ito ang De Artes Sports, ilalagay ang theme na sports sa isang art: photography, painting, at iba pa. Mahirap kaya makapasok sa contest na yan, elimination pa lang sobrang hirap na ng judging." Paliwanag niya.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang