The Poet & Athlete Part 3

1.3K 37 4
                                    

Nang matapos ang araw ay nagtungo ako sa isa sa mga gazeebo para hintayin si Ezekiel upang makapag-revise na ako ng aking poem. Ilang saglit pa ay narinig ko ang kanyang boses, "Trevin." banggit niya ng aking pangalan.


Pina-upo ko siya sa aking tabi't sinabi, "Nagpaturo ako sa mga kaklase ko kung ano yung iksabihin nung mga symbols tapos ito na rin naman, um- na-revise ko na siya. Patingin nalang." sabi ko sabay bigay ng aking papel sa kanya.


Nang kinuha niya ito ay ilang saglit lamang ay napangiti siya, "Good. At least ngayon mas okay na siya." komento niya.


"Meron pa ba akong kailangang baguhin?" tanong ko.


"Ikaw bahala." sabi niya naman.


Nang kinuha ko ulit ang papel at tiningnan ang ginawa kong tula ay bumuntong hininga ako ng mayroong ngiti't sinabi, "Sige. Okay na 'to." sabi ko naman at itinago na ito sa aking bag.


"Tara." sabi ko sabay suot ng bag at tumayo, "Hm? Saan?" tanong niya.


"Ice cream. Libre ko." sabi ko naman.


"A-ah.. ano, hindi na, okay lang." sabi niya naman pero agad kong hinawakan ang kanyang kamay at pilit na hinila siya palabas ng campus.


Hindi ko naman akalaing hindi siya lalaban at hinayaang hawakan ko ang kanyang kamay.


Nang makarating kami sa 711 ay bumili ako ng isang solo na cup mula sa freezer at binayad na ito. Nasa second floor kami at ni-ilan lamang ang mga estudyante na naririto.


Nagsimula kaming maghati sa ice cream at sinabi niya, "Salamat." at nginitian ko siya sabay, "Walang anuman." sabi ko naman.


Ilang saglit pa ay napansin ko na meron siyang ice cream sa dulo ng kanyang ilog kaya agad kong idinampi ang aking daliri sa ilong niya para tanggalin ang ice cream at dinilaan ito.


"..." Napatahimik siya habang nanlalaki ang kanyang mga mata.


Nabalik ang kanyang tingin sa bintana na aming nasa harapan at pinagmasdan ang mga nagsisi-alisang mga estudyante, lahat sila ay halos nagsisi-uwian na.


"Trevin!" isang sigaw ng babae at nakita ko si Tiana, Rylie at Lenz na magkasama. "Buti nakasalubong ka namin." sabi ni Tiana habang ang dalawa ay umupo.


"Friday karaoke bar tayo!" sabi ni Tiana.


"... B-bakit naman?" tanong ko.


"Ala lang. Sayang naman, bago mag-St. Aedan's Feast, party tayo ng sarili natin." sabi niya.


"Approved na rin naman ni Dylan eh." siksik ni Lenz.


"Sasama siya?" tanong ni Rylie.


"Hinde. Tsaka may lecture na gagawin yun kay Zein sa Friday, babantayan ata. May punishment siya eh." sabi ni Lenz.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora