The Poet & Athlete Part 2

1.2K 26 0
                                    

Uwian...


Pagkatapos ng klase ay agad akong bumaba matapos magpaalam kina Rylie. Pagbaba ko mula sa aming building ay nakita ko kaagad si Ezekiel na naka-upo sa gazeebo; hindi gaanong kalayuan.


Napansin ko na nakabukas ang kanyang notebook nanaglalaman ng mga poetry, at nang lumapit ako sa kanya't napansin niya ako agad niya itong sinara at inilagay sa bag tsaka tumayo sabay tanong ko ng, "Tara?" at tumango siya bilang sagot.


Nang makarating kami sa aking apartment ay sinabi ko na, "Relax ka lang muna, kuha lang kita ng maiinom." sabi ko naman matapos ibaba ang bag sa kama ko't pumunta sa kusina, habang napansin ko sa kanya na siya'y umupo sa aking study table.


Pagbalik ko ay binigay ko sa kanya ang inumin at kinuha niya ito sabay pasasalamat. "Ano bang klase ng poetry?" tanong niya sa akin.


"Kahit ano raw eh. Basta nandun yung topic." sabi ko naman.


"Ano ba yung topic?" tanong niya naman.


"Yung nabunot ko... opportunities." sagot ko.


"Kuha ka ng yellow pad." sabi niya at umalis siya sa study table at umupo sa dulo ng aking kama. Ako naman ang umupo sa study table at kumuha ng yellow pad mula sa aking bag at isang ballpen tsaka nagtanong ng, "Tapos?"


"Start muna tayo sa poem mismo, mamaya na yung title, madali nalang yun." komento niya at sumang-ayon naman na ako.


"Um- so... paano ko ma-s-start...?" tanong ko.


"Construct a sentence, describing your point of view on opportunities." sabi niya, halos kaonti lang ang naintindihan ko dun, "O-okay..." sabi ko naman at gumawa ng isang sentence.


"Opportunities are there when you least expect it." bigkas ko matapos ko itong basahin.


"Hmm... sige, kaso 'di siya bagay sa first stanza, siguro sa second or third na siya." sabi niya naman at gumawa ulit ako ng sentence, "... Um..."


"Para sa'yo ano ba ang oportunidad?" tanong niya.


"..." Napatahimik ako't napa-isip.


Ilang saglit lamang ay sinabi ko, "... Para sa akin ano... yung mga pagkakataon... ang tadhana yung gumagawa niyan para sa'yo. Kaso nga lang, yung mga mangyayari eh... iiba kung hindi mo kukunin yung pagkakataon. Oo, pumupunta sila sa'yo... kaso minsan kailangan mo rin puntahan ang mismong pagkakataon na ito." sagot ko.


"One last question: Ang mga pagkakataon ba... ay nakakapanibago ng buhay?" tanong niya.


"Oo naman. Minsan may mga punto na may makikilala kang mga tao, tapos malay mo, sila yung mga taong magbibigay lakas sa'yo. O kaya naman makikilala mo yung taong hindi mo aakalaing magiging sa'yo... habang buhay." sabi ko sabay tingin sa kanya.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu