Para Sa PeTa Part 1

2.7K 41 1
                                    

"K-kailangan... hahalikan?" tanong ko kay Ma'am Dion. "Why yes anak, dapat lang. Bakit?" tanong niya. "Um- lala-" pero pinutol niya kaagad ang pagbigkas ko. "Mr. Tolentino, ang topic na napili niyo is LGBTQ Community, you were supposed pick an issue and yun ang napili niyo. So, in that case, gumawa naman ang leader niyo ng script diba? Just follow it, na-grade-an ko na rin kasi yung script and bawal na ang revisions..." paliwanag ni Ma'am Dion.


Pumasok ako sa classroom ng may buntong-hininga at nakita ko si Faith, "Ikaw may kasalanan nito eh." sabi ko. "Oh bakit? Hello, pasalamat ka nga si River ang makaka-eksena mo, eh diba matagal mo na siyang crush?" tanong ni Faith. Nanlaki ang mga mata ko't tinakpan ang bibig niya, "Wag ka nga maingay. Ito naman, alam niya na ba yung eksena?" tanong ko.


"Oo, and lucky for you, he's okay with it." bigkas sa akin ni Faith.


Nanlaki naman ang aking mga mata at napayuko, "Oh bes, wag ma-arte, dali na kung ako sa'yo i-career mo na, Hel. I'm doing this for you naman, hello." sabi niya ng may mataray at sadyang napaka-dominant ng personality niya, baka yun yung rason kung bakit siya love ng mga tao kasi nakaka-aliw rin ito.


Sadyang si Faith ay may motto na h8rs gonna h8! Hahaha!


Napabuntong-hininga na lamang ako't sinabi ni Faith, "River, Yla, Den, Shiela, Walton, Marie, tara na! Practice na tayo!" sabi ni Faith. Nang nagtipon-tipon na kami. "Soo... I've got good news and bad news, ano gusto niyo?" tanong niya. "Bad news nalang muna." sabi ni Den.


"Bad news is we've got a week to do this pero... ma'am Dion said we can practice in the weekends, that's the good news. Gusto niyo ba?" tanong ni Faith.


"Para sa PeTa!" sigaw ni Yla.


"Agree!" Sigaw naman ni Walton at Marie.


"Okay, decided, sa group chat nalang natin pag-usapan para sa practices natin sa Sabado ah, don't worry, half day lang naman tayo para 'di sayang ang weekend. Let's put to vote nalang sa Friday kung hapon or umaga tayo magpapractice." banggit ni Faith.


"Ganito and summary of scenes, si Den ang tatay ni Helron, nadiskubre niya na bakla si Helron, inabuso siya, sinuntok and all that. After so, tinawagan niya ang best friend niya, ikaw yun River at nag-ask kung okay lang ba kung mag-overnight siya sa bahay nila, and okay lang naman. Tapos nun, yung lines niyo habang ginagamot si Hel tapos the next day, sunod siyang binully naman nila Shiela, Marie, Yla at nalaman din nila na bakla si Hel dahil sa tsismis." kwento ni Faith.


"Tapos nun, ipinagtanggol siya ng pinsan niya na si Walton, at nagconsult na siya sa akin since ang role ko is guidance councilor. After nun, balik bullying scene nila Shiela, Marie, at Yla and drama-on ka na, bes, kasi iiyak kang aakyat papunta sa ating last and rooftop scene. Lastly, si River ay naabutan kang nagtangkang magpakamatay at pinigilan ka niya, and then, boom! Kissing plus confessing scene!" sigaw ni Faith sa dulong parte ng buod.


"Game? Practice!" at nagsimula na nga ang practice.


Matapos ang practice...


"Okay, class dismissed, see you tomorrow." sabi ni ma'am.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now