Homophobic Turn On Part 2

1.2K 22 1
                                    

Klaus' POV


Halos alas-jis na ng gabi kaso wala pa si Leven, buti na nga lang walang curfew sa apartment na ito since may sari-sarili naman kaming mga susi.


Ilang mga minuto pa at nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, sinalubong ko si Leven ng nakita kong iba ang suot at mukhang pagod, "Saan ka galing?" tanong ko.


"Trabahao malamang." sagot niya naman.


"Maliligo lang ako." paalam niya't dinaanan lamang ako't nagtungo na sa banyo kasama ang kanyang tuwalya.


Napabuntong-hininga naman ako't nagtungo sa akin kama ngunit sunod naman akong nakarinig ng derederetsong mga tunog na nagmumula sa kanyang phone, ngunit hindi ko na inabalang pansinin pa ito.


Ilang mga minuto pa ang lumipas...


Leven's POV


Paglabas ko mula sa banyo ay nakatapyas lamang ako ngunit pagdating ko sa aking cabinet ay nagsuot na ako ng boxers at tsaka ng puting shirt.


"Klaus." tawag ko.


"Ano?" tanong niya sabay lingon sa akin.


"Maghubad ka." utos ko.


"Ha?"


"Maghubad ka kako, bibigay ko na yung masaheng nirerequest mo." banggit ko.


Ilang segundo ang kanyang paghinto at pagtitig namin sa isa't isa hanggang sa, "... Ano?" tanong ko.


Tumayo na lamang siya't kumuha ng malaking towel, nilagay sa ibabaw ng kanyang kama tsaka nagsimulang maghubad ng damit hanggang sa kanyang brief.


Nakaka-intimidate yung katawan niya, kaso ako naman 'tong tanga na hindi makaiwas sa pagtitig.


"Ihiga mo yung tiyan mo." utos ko sabay kuha ng mga kinakailangan na kagamitan.


Nagsimula ang aking pagmamasahe sa kanya, syempre una sa likod pababa, ng paulit ulit. Nakaririnig ako ng ilang mga pag-urong mula sa kanya, sino ba naman hindi kapag minamasahe ka?


Ngunit habang nagtatagal, sa mga tunog ng kanyang mga pag-urong hindi ko maiwasang ma-turn-on sa kanya.


Hindi ko maiwasang mag-react dito ngunit sinusubukan kong hindi ipahalata sa kanya.


Pero natapos na rin naman na ang pagmamasahe ko sa kanya.


"... Magaling ka nga." komento niya.


"Salamat..." mahina kong sabi at nagpalit na ako ng damit muli.


Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now