Mister Kontesero Part 4 (continuation)

2.2K 31 0
                                    

Isang taon ang lumipas...


"... Oh? Okay ka lang, Ken?" tanong ni Syra. "Ah- oo... ano, medyo... wala lang akong gana." sagot ko. "Dahil ba kay kuya Rick?" tanong niya't napatango ako. Napabuntong-hininga siya't nagpaliwanag, "Simula nung natanggap siya sa modelling industry eh... nawalan na siya ng time para sa'yo no? Masyado ng maraming shooting ang nagagawa niya..."


Napayuko naman ako, medyo masakit kasi since kami na nga ni Rick eh ngayon... halos wala na ngang time para kami'y magsama. Either ako or siya yung absent tapos yung isa ay libre. "May shooting siya sakto after ng school, gusto mo punta tayo?" tanong ni Syra at biglang nagliwanag ang paningin ko at sumang-ayon.


After school...


Nakarating kami sa venue kung saan nag-shoshoot si Rick. Nasa isang studio kami't buti nalang pinapasok kami ng guard dahil lang naman kasi bibisitahin namin yung model na merong shoot ngayon at pasalamat na dahil related si Syra at si Rick.


Pagdating sa loob nanlaki ang aking mga mata. May kasama si Rick na babae habang nagpho-photo shoot. Naka-akbay ang babae sa kanyang balikat at nakataas ang paa, tapos yung isang kamay ay nakahawak naman sa kanyang baba. Ang pinaka-malala ay yung kanyang suot, wala siyang pantaas at nakapantalon lamang at ang babae ay naka-lingerie.


Para bang magdidilim ang paningin ko. "Syra. Tara, alis na tayo." biglang sabi ko.


Pero, "Ken?" biglang dinig ko ng pagtalikod ko. "...?" Napalingon ako't nakita ko kaagad si Rick sa aking harapan. "Buti nakarating ka!" bigkas niya't nakatanggap ng yakap mula sa kanya. Pagkatapos ng yakap ay, "S-syempre naman..." sagot ko.


"Rick, sabi ko mamaya na yan, diba?! Lalo na kapag may bisita ka. Dali na! Marami kang oras para diyan mamaya!" sabi ng striktong photographer at pinabalik si Rick sa shoot. "Sige po. Syra, paki-tingnan muna si Ken para sa akin ah?" sabi ni Rick at tumango si Syra ng may ngiti.


"Tara na Ricky, mamaya na yan..." sabi ng babae na sadyang nakaka-trigger pakinggan, para bang gusto ko siyang isubsob sa sahig at tapakan yung mukha niyang malandi mula sa tono palang niya.


Ilang mga minuto pa ay pumunta na sa amin si Rick at sinabi, "Kuya, sino yung babaeng yun?" tanong ni Syra, mukhang siya rin naiirita sa kanya. "Ah, si Elha. Ka-partner ko sa shoot." paliwanag niya, "Kailan pa?" tanong ko. "Hm? Ah, last week lang kami nagkakilala. Mabait naman kaya siya no." paliwanag niya.


"Pero kahit Ricky ang tawag..." bulong ko sa aking sarili.


"Ano, Rick-" naputol ang pagtawag ko ng sumipot sa likod niya sa isang yakap yung parehas na babae kanina na ka-partner niya. "Ricky~" tawag ng babae. "Ay, oo nga pala. Elha si Syra, kapatid ko. At tsaka si Ken, boyfriend ko." sagot ni Rick.


Nanlaki ang mga mata ni Elha't sinabi, "Ay talaga? Wow naman, grabe hinid ko naman akalain na pumapatol ka pala sa lalake." medyo nakaka-offend yung sinabi niya, nakakainis. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lamang ako.


Ilang saglit pa ay tinawag na sila muli para sa shoot. "Sige. Ano, kung gusto niyo nood muna kayo, kaso nga lang matagal-tagal pa 'to." paliwanag ni Rick. "Ah okay lang kuya, wala naman-" pinutol ko ang salita ni Syra't sinabi, "Ah, ganun ba? Sige una na kami, may gagawin pa kaming assignment." paliwanag ko at bigla na lamang umalis.


Paglabas namin ng studio...


"Oh? Ano meron sa'yo, Ken? Okay ka lang?" tanong ni Syra. "Halata ba? Eh yung babae na yun kung makadikit akala mo sa kanya si Rick." reklamo ko. "Hu nako, sinabi mo pa. Pero, sa ngayon wag muna tayo mag-alala tungkol diyan." sabi niya at umalis na kami.


Isang linggo ang lumipas...


"...!?" Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong lumabas mula sa isang bar at naka-akbay si Elha kay Rick, at mukhang tinutulungan siya. "..." Dapat dederetso na ako umuwi kaso parang nagkaroon ako ng rason kung bakit kailangan kong sumunod.


Sinundan ko sila't nahalata ko ang route na dinadaanan nila, patungo ito sa apartment ni Rick. Nanlaki ang mga mata ko't pumasok silang dalawa sa loob. Lumayo ako ng kaonti't tinawagan si Rick.


"Hello, Ken? Kamusta?" tanong niya.

"Okay lang... napatawag lang naman ako... nag-aalala lang." paliwanag ko.

Tumawa siya ng kaonti't sinabi, "Okay lang din naman ako ngayon, medyo... may sagabal nga lang." paliwanag niya.

"Ah, ganun ba? Hindi ba ako nakaka-istorbo?" tanong ko.

"Hindi naman, bakit?" tanong niya.

"Ala lang, gusto ko lang kamustahin ka. Sige... ano, um, gagawa pa ako ng assignment..." sagot ko.

"Ay... ganun ba? Oh sige, ano... bukas date tayo... libre ka ba?" tanong niya.

Tumawa ako ng kaonti't sinabi, "Oo naman, sige. Text text nalang." sabi ko at,

"I love you." sabi niya't nag-I love you rin ako bago ibinaba ang tawag.


Umuwi na ako...


Kinabukasan...


Nagpunta na kami sa mall ni Rick at habang kumakain kami sa isang restaurant ay nagkukuwentuhan na rin naman kami hanggang sa tanuningin ko siya. "So kamusta naman na makipag-trabaho kasama si Elha?" tanong ko.


"Ayun, magaling siya, kina-career talaga niya. Ang dami nga niyang tinuro sa akin eh." sabi niya. "... Ah... ganun ba?" tanong ko. "Nakipag-party nga kami kasama yung ibang crew nung isang gabi eh. Haha! Ang dali niya palang malasing." komento niya.


"Ay talaga?" tanong ko. "Edi sure may naghatid nun pauwi?" tanong ko. "Hm? Ah, hindi rin. Nag-insist nga siya na makitulog siya sa apartment ko eh." Binggo. "Ha? M-matulog sa apartment mo?" tanong ko. "Hm? Oo. Wala namang masama diba? Katrabaho ko lang naman siya eh." sabi ni Rick.


"... So... may nangyari ba sa inyo?" tanong ko. "Ha? Wala." deklara ni Rick. "... Oh. Nandito na pala yung magjowa. Hi." ba naman ang timing netong babaeng 'to. "Ay, hi Elha." sabi ni Rick. "Hi, Ricky. Ken." bigkas niya.


"Ano kailangan mo?" tanong kong matulis na tono. "Hmm... wala lang naman? Nga pala, may table kami dun ng friends ko oh, Rick. Tara dun tayo.' pag-aaya niya. "Ay- wag na, ano, may date pa kami ni Ken." paliwanag ni Rick. "Hmm... edi i-resched niyo nalang! Dali na Ricky papakilala kita." sabi ni Elha at hinawakan ang kanyang braso.


Tumayo na ako bigla't napayuko, "Hindi na kailangan Rick, sige... okay lang. May... project pa naman akong gagawin." pagsisinungaling ko't umalis ng restaurant. "K-ken!? Ken!" tawag niya sa akin pero tuluyan akong tumakbo papalayo.


Pagdating ko sa bahay ay binati ako ni mama, "Oh anak, ang bilis ata ng...?" napansin niya ang namumula kong mga mata. "... Hay... sige, upo ka. Gagawa ako ng maiinom tsaka natin pag-usapan 'yang problema mo." sabi niya't umupo ako.


please vote and comment!



Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now