Promise Magkikita Tayo Muli Part 8

2.1K 47 0
                                    

Dumating ang Friday at pagkatapos ng araw ng pag-aaral ay nakarating na ako sa gusali ng EyeCandy at nakita ko si Ate Yza, kasama ang isang babae, "Oh, good, right on time, kakarating lang din ni Vannie." bigkas ni Ate Yza at pinaupo kami.


Nasa sopa kaming dalawa nitong si Vannie at si Ate Yza naman ay nasa isang upuan. "Okay, so, ganito, when it comes to planning there are some factors you have to consider especially if its a wedding. Kailangan mong malaman kung anong gusto ng client and consider our limits and resources. For now, since 'di pa naman natin alam kung ano ang kanilang gusto, we can discuss more about it pagkatapos ng meeting." bigkas ni ate Yza.


"Second is kailangan mong maging professional about it, there are no sorts of emotions whatsoever na dapat mag-block sa inyo para makuha mo yung tiwala nung client well, since this is a special case, I'll make the exception." banggit niya't ngumiti sa akin.


"Ikatlo, talk to them, know their history, and about them and that way you can suggest ideas and even convince them to one of your requests. Don't overdo it though." pagturo ni ate Yza.


"And finally, get attached to them, be a part of the wedding itself. That's the role of the planner, you have to be with the clients at most times, understand them. One advice, planning is done with patience, wag kayo magmadali, it's okay." sabi ni ate Yza.


"Thank you, ma'am." bigkas ni Vannie at umalis na kami for tomorrow.


Kinabukasan...


Pagdating ko sa tagpuan namin ni Vannie, kinayawan ko siya't pumunta na siya sa akin, "Hi, morning." bati niya, "Morning." bati ko rin.


"Okay lang ba kung...? Kwentuhan mo ko tungkol dun sa special client na 'to?" tanong sa akin ni Vannie. "Sige, okay lang. Tama nga naman na sabihin ko na rin sa'yo, baka magkagulo pa pagdating sa mga meetings." banggit ko at habang nasa biyahe kami sa taxi tsaka ako nagkwento.


"Ang pangalan ng mga client natin ay si Hansel Aravello at Tiffany Olivia Sparks, yung si Tiffany, half-pinay since ang nanay niya is pinay, si Hansel Aravello... well- he's... no, 'was' my well... I guess, a brother, isang kuya, naging katulong kasi namin siya noon and apparently, my feelings grew and... fell for him. Though sa kasamaang palad, syempre hindi naman nagtatagal halos ang mga katulong sa mga pamilya kapag malaki na ang kanilang anak. Nag-ibang bansa na si kuya Hans a month after." bigkas ko at napayuko.


"The next thing I knew after so many years... he's getting married, to a girl he never even bothered introducing me to." bigkas ko. "May... nangyari ba sa inyo?" tanong ni Vannie, "Sorry ah, pero, curious lang talaga ako." dagdag niya.


Napatawa naman ako ng kaonti, "It's okay. Well- not exactly 'nangyari', though I guess small things lang. Bata pa kasi ako nun eh." paliwanag ko. "... Gaano mo ba kamahal?" tanong ni Vannie. "... Mahal na mahal..." sagot ko kaagad.


Tinapik niya ang aking balikat at sinabi, "Suportado ako... at tsaka hindi naman ata mangyayari yun kung wala siyang nararamdaman para sa'yo. At tsaka, I don't think na... yung wedding... I sort of feel something will happen before it." sabi niya't ngumiti sa akin.


"Salamat." sagot ko naman.


Nakarating na kami sa meeting place at binigyan ako ni Vannie ng pekeng salamin, "Para saan naman yan?" tanong ko. "Para sa disguise. Alam kong maliit lang pero... malay mo, gumana." paliwanag niya't sinuot ko na ito.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now