Promise Magkikita Tayo Muli Part 9

1.7K 44 1
                                    

Nagpatuloy ang mga meeting...


Matapos ang ilang linggo...


Nasa EyeCandy building house kami ng, "Hay nako, parang napaka-weird ng sitwasyon nila eh." komento ni Vannie, "Eh bakit naman?" tanong ni Ate Yza."Eh, ma'am, laging late sa mga meetings or either wala yung girl na si Tiffany." paliwanag ni Vannie.


"Oo nga no..." actually ngayon ko lang napansin.


"Hmm... Da- *ahem* Rick, do you mind checking on sir Hans?" tanong ni Ate Yza. "Hm? Bakit naman po?" tanong ko. "He's at the boutique for his fitting of outfit as a groom, and... kasi ala si Tiffany, he just texted, he requested some help, eh alam mo naman since client natin, we need to support him. I'll text nalang the address." sabi ni Ate Yza. "Oh sige po." sabi ko. "Ay- wait, Oliver!" tawag ni Ate Yza.


"...?" Lumabas si sir Oliver mula sa kusina, "Ayusan mo nga muna ng buhok 'tong si Dave at tsaka Vannie, yung salamin nga pala. Ibahin mo yung porma na rin ni Da- este Rick para sa pagkikita niya kay sir Hans." utos ni Ate Yza.


"Yes, ma'am!" sagot ng dalawa at hinatak na ako sa isang kwarto para ayusan. Ilang saglit lamang ay nakalabas na ako. "Ayan! Gwapong gwapo!" komento ni Ate Yza. Naka blue buttoned jacket ako plus may silver na mga design, pantalon na itim at sapatos na rin, syempre 'di mawawala yung salamin ni Vannie sa akin.


Binigyan ako ni Ate Yza ng isang slingbag na khaki ang kulay. "Ito yung mga kailangan mong papel para mamaya, ipa-sign mo yan sa kanya para dun sa church meeting, kung saan sila ikakasal, though since tatlo kayo... good luck nalang sa pagkakausap sa kanya in private." advice ni ate Yza't pag-utos.


Tumango ako't pumunta na sa boutique store kung saan nakita ko na ang kotse ni kuya Hans. Pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo mag-isa. Kaya pinuntahan ko na siya, "Um- sir? Sorry, am I late?" tanong ko ng may nerbiyos.


"Huh? Oh- no... kakarating ko lang naman kanina actually. Let's start na." sabi niya't tumango ako tsaka ako nag-approach sa designer. "Mameh!" bati sa akin ng designer. "Um- h-hello po, Miss Iyah." bati ko.


Lalake si miss Iyah pero mukha talaga siyang babae sa paningin, grabe. Ang ganda rin ng pananamit niya. "Naku, iho, buti nalang at may kasama 'tong groom mo." sabi niya. "Ay- hindi po ano..." sabi ko. "Ay weh? Akala ko kayo ang ikakasal, haha! Just kidding, c'mon, let's start na. Susukatan na kita." sabi ni Ma'am Iyah.


Nagsimula na siyang sukatan si kuya Hans habang yung assistant niya ang nagtatake-down ng notes ukol sa sukat.


"... And, done." sabi ni Miss Iyah. "Oh sige, iho, tulungan mo muna si groom mo na mamili ng design na gusto niya, dapat yung babagay ah." paalala ni Ma'am Iyah ng nagtungo na sila sa likod na parte ng store.


Nginitian ako ni kuya Hans at sinabi, "So...? Tara? Actually hindi ako marunong sa damit, dati kasi kung ano yung mura dun lang ako." sabi niya. Oo nga eh, sumasang-ayon ako... hindi ka naman maporma pero gwapo ka pa rin kahit na anong suoting mo.


Ilang araw pagkatapos naming mamili ng design...


Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now