Private Tutor Part 5

2K 33 2
                                    

(Arin's POV)


Salamat at nakatapos na rin ako sa mga gawain ko ngayong araw na ito, at makaka-uwi na rin ako. Sinuot ko na ang aking hoodie at nagsimulang umalis at nagtungo na sa apartment. Ilang saglit lamang ay nakarinig ako ng pag-ring ng aking phone at sinagot ito, isang call mula kay . "Hello, Kylan?" tanong ko.


"Hello?" isang salita pa lamang, alam kong hindi siya ang nagsalita, "Arin diba? Sure, kilala mo 'tong si... Kylan." bigkas ng misteryosong boses na lalake.


"May iparirinig ako sa'yo." sabi ng lalake at ang nadinig ko ay, "A-arin... tu-mh... haa-! haa.... long..." ng marinig ko ito, bilis na kumalat ang galit sa buong kalooban. "Anong ginagawa niyo sa kanya?" tanong ko ng may tulis na tono.


"Binibigyan lang naman namin siya ng isang panahon na talagang hindi niya makakalimutan." sabi ng lalake. "..." Hindi ako sumagot at ibinaba ang tawag. Meron akong napansin sa mga tunog na aking narinig. May narinig akong mga kuliglig sa paligid at meron ding namatay na motor ng tricycle na hindi ganun kalayo. Pumunta ako kaagad sa apartment at nagtungo kung saan madalas na dumadaan si Kylan patungo sa McDo na malapit sa campus nila.


Ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko pa rin sinubukang tawagan ang phone ni Kylan.


Medyo kinakabahan na ako't lalo pang nabubuo ang galit ko. "Ah-!"


Isang sigaw na narinig ko ng hindi kalayuan. Tumakbo ako sa susunod na kanto't nakita ko ang tricycle at nakarinig ako ng mga kuliglig. Nakita ko sunod ang isang maliit na eskinita at pumasok kaagad, paglabas ko ay nakita ko ang isang bakanteng lote.


Tumingin ako sa paligid at nakita ko kaagad ang tatlong lalake na nakaharap kay Kylan, hindi pa nila ako napapansin. Itinaas ko ang hoodie ko para maitago ang aking mukha't unti-unting naglakad ng tahimik at naka-abot ako sa unang lalake at hinila siya.


Sinipa ko siya sa kanyang tiyan tungo sa isang pader ng malakas. "Bitawan niyo siya." bigkas ko ng kinuha ko naman ang dalawang lalake sa kanilang mga balikat at ipinaguntog ang kanilang mga ulo't sinipa silang dalawa sa kanilang mga giliran ng malakas.


"---!" Pagkagulat ng tatlong lalake sa ginawa ko sa kanila, kinuha ko ang pantalon ni Kylan. Napatingin ako sa kanyang nagmamaka-awa't nasasaktang mukha. Na-iinis ako, nagagalit ako dahil sa nangyari sa kanya.


"Lumayas na kayo kung ayaw niyong makita ang kabao ninyo." bigkas ko't agad-agad na umalis ang tatlong lalake. Agad ko namang inalalayan si Kylan na nagsimulang umiyak, "... Arin..." bigkas niya pa lamang ng pangalan ko. "Shh.. shh... okay na, nandito na'ko... tahan na..." sabi ko ng yinakap ko siya ng mahigpit.


"Sorry... hindi kita napuntahan kaagad..." sabi ko.


"H-hinde... ako dapat mag-sorry... hindi ako naging mapaglaban..." paliwanag niya. "Hindi ka ba nasaktan? Wala bang ginawa sa'yo?" tanong ko ng may pag-aalala.


"W-wala... ano, hi-hinawakan lang nila ako." sagot niya. Buti nalang na naging tapat siya sa akin sa tanong ko sa kanya. Sinuot ko na sakanya ang kanyang pantalon at binuhat ko siya sa aking likod. "... Okay kalang diyan?" tanong ko.


"O-oo..." sabi niya. "Gusto mo bang... ice cream?" tanong ko.


"... Sige." sagot niya't napangiti naman ako ng saglit. "Sure ka kaya mo tumayo?" tanong ko bago kami lumabas sa kanto na maraming dumadaan na tao. "Oo, kaya ko naman." sabi niya't ibinaba ko siya mula sa aking likod.


Nagpunta kami sa isang convenience store ng magkahawak ang aming kamay. Tinanggal ko na ang hoodie ko ng mga oras na ito at ipinalagay ko na lamang muna sa bag ni Kylan since backpack ito.


Marami ang nakatingin sa amin, hindi dahil lamang sa naka-holding hands kami kundi dahil mula kami sa dalawang unibersidad na may malaking nangyayari sa pagitan.


Nang nakabili na kami ng ice cream ay patuloy ko pa rin hinahawakan ang kanyang kamay hanggang sa makarating kami sa apartment. Habang naglalakad, akala mo kung ano meron eh, marami talagang mga mata ang nasa aming dalawa ni Kylan, pero hindi ko na ito inintindi.


Pagbalik namin sa apartment ay ipinagpaligo ko muna siya habang nagbibihis ako. Ilang mga minuto ang lumipas at lumabas si Kylan mula sa banyo ng nakatapyas lamang. Nanlaki ang aking mga mata't iniwas ang aking tingin mula sa kanya dahil namumula na ata ang mukha ko.


Mapayat siya, at makinis ang balat, talagang hindi ko minsan mapigilan ang pagpapantasya sa paghawak ng katawan niya, pero minsan ko na rin naman talaga ito nahawakan ng husto.


Habang kumakain siya ng ice cream ay nagtanong ako, "H-hindi ka ba nandiri...?" tanong ko. "..." Pero hindi siya sumagot ng ilang segundo hanggang sa, "... Syempre. Kasi- hindi naman ikaw yung gumagawa..." nang ibinigkas niya ito ay nakalayo ang tingin niya at iniiwasan ang aking mga mata.


"... Ganun ba?" tanong ko pero hindi siya sumagot.


"Kylan. Tara rito." sabi ko't tumabi siya sa akin sa kama.


Kinuha ko ang kanyang baba gamit ang aking dalawang daliri't lumingon para sa isang halik. Napunta ang parehas kong kamay sa kanyang mukha't hinimas ang kanyang mga pisngi. Ipinagdikit ko naman ang aming noo sa isa't isa't tiningnan siya ng masinsinan.


"... Akin ka lang..." deklara ko at unti-unting naluha. 


"Pasensya ka na... hindi ako naging mabuting tao para sa'yo... hindi kita naligtas ng maaga..." sabi ko't napapikit ng tuluyang bumubuhos ang aking luha. Ramdam ko naman ang kanyang kamay sa aking pisngi.


Napatingin ako sa kanyang malambot na ngiti, "Okay lang... basta, alam kong nandun ka para sa akin. Hindi mo naman ako pinabayaan diba? Niligtas mo naman ako." paliwanag niya. 


"Kahit na...-" pero pinutol niya ang pagreklamo ko.


"Shh... tapos na, Arin. Kalimutan na natin yung nangyari, sa ngayong gabi... ibuhos mo nalang yung pagnanais mo." sabi niya ng itinabi niya ang ice cream niya't hiniga kaming dalawa. Tuluyan ang gawain at isang gabi na walang tulugan ang aming ninais.


Sumunod na araw...


"Ingat ka ah." sabi ko kay Kylan ng nasa harapan ako ng kanilang gate. "Oo, mamaya kain tayo ng street food ah." pag-aaya niya.


Natawa naman ako ng kaonti't sinabi, "Sige sige." sabi ko't nagpaalam na. "Ingat ka ah... I love you." sabi niya.


Lumambot ang ngiti ko't sinabi, "... Mahal din kita." at binigyan ko siya ng halik sa kanyang ulo at umalis na. Sa ngayon, pababayaan ko nalang ang mga magiging usapan tungkol sa aming dalawa, wala na akong paki-elam dun, ang mahalaga ay nasa mabuting kalagayan yung mahal ko...

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now