Kuya Jogger Part 1

2.2K 24 1
                                    

Alam mo yung feeling na napipilitan kang gawin ang isang bagay dahil tinutukso ka dahil sa itsura mo? Napipilitan kang magpaganda o kaya magpapayat kasi napakataas na ng standards ng mga tao ngayon.


Ako si Jameson, isa ako sa biktima ng pam-b-bully noong ako'y gradeschool. Binawi ko ang lahat sa pamamagitan ng academics, pero mukhang hanggang dun lamang ang maaabot ko kapag ganito ang kalagayan ko.


Hindi ko naman masisisi ang aking sarili kung hanggang talino lamang ako, supportive naman ang mga kapatid ko sa mga desisyon ko, kaya sa tingin ko sapat na kahit binubully ako.


May crush din akong babae, pero sure naman hindi ako magugustuhan nun kasi nga dahil sa itsura ko.


"Jameson, see you next year ah. Promise 'yan, dapat magpapayat ka na." bigkas sa akin ni Chaz, best friend ko.


"T-try ko." tugon ko naman.


"Walang try-try. Dapat magpapayat ka na talaga, sige ka aagawin ko sa Laurine sa'yo." tukso niya.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Bahala na, kahit anong gawin ko naman ata eh hindi ako magugustuhan ako nun." bigkas ko.


"Ito naman napaka-bitter mo, oh sige. Mag-i-ingat kayo ah. Bye." paalam niya ng pumunta na siya sa kanyang mga magulang.


Katatapos lamang ng 2nd year ko sa high school at susunod na ang 3rd year. Kakaonti na lamang ang pam-b-bully sa akin kaso meron pa rin, gusto ko mawala na... kaya simula bukas, paplanuhin ko na ang lahat ng kinakailangan kong gawin para sa summer.


Sumunod na araw ay gumising ako ng maaga para makapag-jogging mag-isa. Yung tatlo kong mga kapatid eh nasa kolehiyo, may pasok pa rin. Ako na lamang ang natitirang mag-isa na nag-aaral pagka-graduate nila.


Pagkatapos kong magbihis nagpunta na ako sa jogging park kung saan paikot ito na parang oblong at marami rin naman ang nag-j-jogging kaya mukhang mag-f-fit in naman na ako.


Ilang mga minuto habang ako'y tumatakbo, na-isipan kong maglakad nalang muna ng isang ikot para makahabol ng hininga.


Isa't kalahting oras ang aking inilaan para sa jogging at nang matapos ako, na-isipan kong magpahinga muna ng saglit. Meron akong napapansin na isang lalake na hindi siya tumitigil sa pag-jogging, derederetso ang kanyang pagtakbo at para bang sampung ikot bago siya maglakad ng isang ikot at jogging ang phase muli.


Napakataas ng stamina niya, sana ganun din ako kapag ipinagpatuloy ko ito.


Napagmasdan ko siya. May pagka-chinito, pero sporty ang buhok niya, at syempre ang physique wala nang duda tungkol dun. May pagkaputi din ang kanyang kutis .


Ilanga mga minuto muli ang lumipas ay umuwi na ako sa bahay. Pagdating ko ay binati ako ng almusal na ginawa ng aking tita.


"Kain ka na iho. O gusto mo muna maligo?" tanong niya.


Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now