Lost and Found Part 1

2.4K 29 1
                                    

"Teka- ano?!" tanong ko muli sa aking kaibigan. "Reward, bes. Kahit ano- as in, kahit ano!" sabi ni Sammy sa akin.


"... Para sa iisang susi?" tanong ko muli.


"Kulit naman pala. Oo nga. At tsaka ano ka ba, hello! Si Christian ang pinag-uusapan natin dito, bes. Studnet Council Treasurer, Christian Pasquier. French ano ba!?" deklara ni Sammy.


"Oh, eh ano naman?" tanong ko.


Bumuntong-hininga siya't sinabi, "Hay naku... hindi mo talaga maiintindihan mga pantasya namin sa mga galing sa France, and FYI, si Iris bes, Miss Universe, ay nagmula sa bansa niya. "Ewan ko sa'yo. Sige na sige na, tutulungan na kitang hanapin 'yang gamit na 'yan. Teka- ano nga ba yung kailangan hanapin?" tanong ko.


"Susi bes eh." sagot ni Sammy.


"Ano meron sa susi?" tanong ko.


"Hay nako... mister Roderick Talavera, tulungan mo nalang akong hanapin yung susi." sabi ni Sammy. "Oh sige sige na. Sabihan kita kapag nakita ko." sabi ko naman at bigla niya akong yinakap. "Yey! Thanks, bes!" pasasalamat niya.


"Alam na ba 'to ni Jacob?" tanong ko. "Oo naman, kahit nga siya tinutulungan ako eh." sabi ni Sammy. "Eh paano naman siya makakatulong eh taga-ibang school 'yang boyfriend mo?" tanong kong pagdududa.


"Connections." isang salita lamang ang kanyang sinagot.


Nagsimula na ang lunch at nagtungo na ako sa labas ng aming building para makabili ng pagkain habang si Sammy ay nasa classroom gumagawa ng assignment. Habang naglalakad ako, bigla ko nakita 'tong si ChristianPasquier sa garden naghahanap ng sinasabing niyang susi.


Bumuntong-hininga ako't ipinagpatuloy na ang paglalakbay patungo sa mga bilihan. Nagpunta naman ako sa isang vending machine pagkatapos kong bumili ng pagkain at kumuha ng maiinom.


Pagbalik ko sa garden ay nakita ko pa rin na nandun si Christian na naka-upo mag-isa, nakatitig sa phone. Lumapit ako kahit may kaonting distansiya sa amin at tinawag siya, "Pst!"


Nang lumingon siya sa akin ay binato ko ang isang energy drink at naisapo niya ito kaagad ng may gulat. "Mukhang kanina ka pa diyan sa paghahanap ng susi mo. Balitaan nalang kita kapag nakita ko." sabi ko naman at umalis na ng walang narinig na salita na nagmula sa kanya pa.


Pagbalik ko sa classroom ay nakita ko na nakangiti ng malaki si Sammy sa akin, alam ko yung tingin na yan. "... Nakita mo no?" tanong ko. "Aba'y malamang. Kitang-kita ang mga nangyayari sa garden mula sa bintana natin. So? Ano? Ano sabi niya?" tanong niya.


Bumuntong-hininga ako't umupo sa kanyang tabi, "Ala, binigyan ko lang ng maiinom, mukhang buong lunch talaga siya maghahanap para sa susi na yun. Sure importante yun para sa kanya." paliwanag ko.


"Sa tingin ko nga dorm key niya eh." hula ni Sammy. "Edi dapat nagpa-duplicate siya o kaya mag-ask ng assistance sa admin ng dorm." paliwanag ko naman.


"Ay- oo nga no..." pagsang-ayon ni Sammy at nagsimula na kaming kumain ng sabay.


Pagkatapos naming kumain ay nilapitan kami nina Ayden at Axel, "Guys, may rumor na kumakalat." bigkas ni Axel.


Nagtaka naman kaming dalawa at nagtanong, "Ano meron?" tanong ni Sammy.


"May nakakita raw ng isang pulubi na may hawak na susi na kamukha nung hinahanap ni Christian, kaso nung sinubukan nilang kunin o kaya bayaran para dito eh tumanggi agad yung lalake, muntikan pa nga manakit eh." kwento ni Ayden.


Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now