Promise Magkikita Tayo Muli Part 10

1.9K 58 7
                                    

Pagdating namin...


"... Sa park...?" tanong ko.


"Ah, oo. Dito kasi masarap mag-relax at tsaka dun sa paslant na part malapit sa ilog, dun tayo." sabi niya't nang makarating kami, umupo kami sa ilalim ng puno.


Siguro tama na... mahirap na rin tiniis ko, kung ganito lang din naman ang mangyayari, sasabihin ko na...


"Sir, I need to tell you something." sabi ko.


"Hm? Ano yun, Rick?" tanong niya.


"No, sir... hindi po ako si Rick." bigkas ko't napatingin siya sa akin. Tinanggal ko ang aking salamin, inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang aking mukha. "... Ako 'to... si Dave."


Nanlaki ang mga mata ni Kuya Hans, "... Y-you lied?" tanong niya.


"Hindi, ako nga 'to!" sabi ko. "Pero bakit?" tanong niya. "Bakit ka nagpanggap?!" dagdag niya.


"Kasi nararamdaman ko na kailangan ko. Kasi gusto ko rin malaman talaga kung ano ang nasa inyo ni Tiffany." paliwanag ko. "So you mean to tell me, you were planning to sabotage this wedding?!" tanong niyang unti unting nagagalit. "Hindi! Gusto ko sana makakuha ng pagkakataon na maka-usap ka... tungkol sa atin, yung dating tayo." sabi ko.


"Oh c'mon, Dave naman! Ang tagal na nun! Ilang taon na ang lumipas!" sabi niya. 


"... Ganun ba talaga? Hindi mo na talaga binibigyang halaga yung pinagsamahan natin..." sabi ko naman at unti unti ng naiiyak.


Masakit. Sobrang sakit.


"Akala ko naman in-apply mo yung sinabi ko, 'Na wala ng halaga ang pagpunta sa nakaraan, kasi natapos na, nangyari na." sabi niya. "Oo, naaalala ko, pero hindi iksabihin na hindi ko makakalimutan ang pagmamahal ko sa'yo!" sigaw ko't tumayo.


"... Dave." sabi niya. "... No, wag na. I'll just leave, mas lalala pa kapag pinagpatuloy natin 'to. Good luck on your wedding," sabi ko't umalis ng luhaan.


Pagbalik sa EyeCandy house...


"Oh... okay lang yan... naku, tahan na." pag-comfort sa akin ni Ate Yza. "It's for the best... at least... now you know you have to accept it." dagdag niya. "... Um, hello, insan." sabi ni Casper ng nakita ko ang buong barkada na may dalang mga pagkain.


"... Um, pinapunta ko na rin sila para kumain, eh nagkataon nalang na nasa school kami para sa mga sari-sarili naming mga group project kaya, nagplano na kami na pumunta dito." paliwanag ni Casper, at nakita ko sina Irish na rin.


Umupo kami sa lamesa, "So... you backed out?" tanong ni Sam. "It's for the best." bigkas ni Vannie.


"So... next move?" tanong ni Jeanne.


Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang