Blogger + Vlogger Part 1

1.4K 19 1
                                    

Hinding hindi mawawala ang mga movie marathon sa ating buhay. Merong mga pagkakataon na sa hilig mo nito ay nadidiskubre mo ang iyong mga hilig sa pagsusulat o kaya naman sa pag-re-review nito.


Ako si Brent, nanunuod ako ng mga pelikula hindi lamang para sa entertainment kundi para rin sa aking blog review. Kaya naman dapat sa first showing pa lamang nito ay dapat nakapanood na ako. Risky, pero kailangan.


Though sa first time na mangyayari ay sa last day ako nakapag-panood dahil sa midterms namin. Nakarating na ako sa loob at umupo, pero jam-packed pa rin ang sinehan. Nasa isang pang-dalawahang row ako sa upper right, since late na rin naman na ako nakapasok at ito nalang ang libreng upuan.


Kaya naman ibinaba ko na ang aking bag at hinanap ang aking jacket... pero matapos kong halungkatin ang loob ng bag ko ay wala ang aking jacket... mukhang nakalimutan ko sa aking dorm.


Napabuntong-hininga ako't ramdam ko na kaagad ang lamig. Ilang minuto pa bago mag-start ang movie.


"Hi." biglang bungad sa akin at napatingin ako sa isang lalake na matangkad, malaki ang katawan, naka-jacket at... may dalang popcorn, yung pinakamalaki na mabibili, at dalawa pa ito.


"Um, may naka-upo po ba diyan?" tanong niya.


"Ah- wala po." sabi ko't kinuha ang aking bag mula sa libreng upuan at umupo siya kaagad bago hubarin ang kanynag bag.


"Dapat kasi nung unang screening ko pa 'to pinanood, eh busy sa exams, buti pa nga mga kaibigan ko nakapanood, naka-dorm kasi sila." agad niyang pagsisimula ng usapan.


"Ah- busy rin ako sa exams." tugon ko.


"Weh? San ka nag-aaral?" tanong niya.


"La Sierra De Kolehiyo." sagot ko't sunod kong nalaman na nasa parehas kaming college kaso nasa magkaibang kurso at building. Nanlaki naman ang mga mata ko.


"Um- Brent." sagot ko.


"Davis." sagot niya.


"R-right." tugon ko sabay nakipagkamayan sa kanya.


Nagkakilala pa kami ng husto habang naghihintay sa pagsisimula ng pelikula.


"Ahh! So nag-b-blog ka? Movie review." tanong niya.


"Oo. Para lang mabahagi ko mga opinyon ko sa mga elemento ng cinematography. Dahilan na rin ng kurso ko." paliwanag kong sagot.


"Nga naman. Ako mahilig lang talaga ako manood ng movies eh. Kahit anong genre man, basta movie, short film, go!" sabi niya.


"Eh series...?" tanong ko.


"N-not much... pero one episode a day lang para hindi sagabal sa pag-aaral." tugon niya.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant