Kuya Jogger Part 2

1.6K 17 1
                                    

Dinig ko ang banggit ng aking pangalan at pagtalikod ko ay nakita ko si kuya Craig na may dalang cart at maraming bibilhin.


"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya.


"Oo. Kasama ko dapat tita ko kaso nasa Manila, susunduin yung tatlo kong kapatid, may sakit kasi yung isa." paliwanag kong tugon, "Kaw ba?" tanong ko.


Sakto at may bumungad naman sa amin na isang babae, "Hm? Oh, hi. Ikaw si Jameson, tama?" tanong niya.


"O-opo." sagot ko.


"So ikaw yung nakakasabay ni Craig sa jogging?" tanong niya muli.


Tumango naman ako't, "Opo." sumagot.


Tumango pabalik ang babae ng dahan-dahan at sinabi, "Ahh, Nicole nga pala. Mommy ni Craig. Alam mo bihira nakakakita pero nakaka-proud ka. Good luck sa work out mo ah." bigkas niya.


Napangiti naman ako't sinabi, "Maraming salamat po."


"Oh Craig alam mo na. Tutulungan mo siya sa diet plans niya." sabay lingon ng nanay ni Craig sa kanya.


"Yun na nga dapat gagawin ko eh." paliwanag ni Craig.


"That's good. Sige, iwanan ko muna kayo at eh titingin pa ako ng melon na maganda para mamaya." paalam niya't agad na umalis.


"Balak mong gumawa ng diet plan?" dagdag na tanong ni Craig pag-alis ng kanyang nanay.


"Ah-- oo. Eh since may workout na-isipan kong mag-diet na rin." tugon ko't bualik ang tingin ko sa kanya.


"Start ka sa tuna, canned tuna tapos kamatis, sibuyas at kahit na ano pang gulay na gusto mong ilagay. Start ka sa lettuce kung gusto mo, tapos lagyan mo rin ng cucumber. Pwede mo rin gamitin kapag gusto mo mag-burger. Tapos yogurt nalang ang i-meryenda mo sa hapon." agad-agad niyang paliwanag.


Nanlaki naman ang mga mata ko't sinabi, "Um--- h-hindi ko nasulat lahat ng yun." bigkas ko.


Tumawa siya ng marahan at sinabi, "Sige. Start ka sa canned tuna tsaka lettuce. Sa Monday, turuan kitang gumawa ng sandwich." bigkas niya.


"O-okay." pagsang-ayon ko naman at nagpaalam na siya.


Tumungo muli ako sa mga de-lata matapos kunin ang lettuce at kumuha naman ng dalawang lite canned tuna bago pumila sa bayaran.


Dumating ang Lunes...


Mukhang mas maaga si Craig kaysa sa akin. Kaya thirty minutes na muna ako nag-jog bago ako umupo muli sa ilalim ng malaking puno sa gitna ng liwasan.


Ilang saglit pa ay bumungad sa akin si Craig na puno ng pawis. "Akala ko hindi ka pupunta." bungad niya.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now