Promise, Magkikita Tayo Muli Part 7

2.7K 50 2
                                    

"..."


"Hello? Anak?"


"... U-um... ganun ba? Sige, ano, paki-text nalang sa akin yung number niya, ako na tatawag." sabi ko at binaba kaagad ang tawag. "... Um- guys..." bigkas ko ng kinuha ko ang bag ko, "Kailangan ko ng mauna..."paalam ko. "Ay weh? Ang bilis naman..." reklamo ni Jeanne.


"Sorry ah. Kailangan kasi eh." sabi ko naman. "Ganun ba? Oh sige, tomorrow nalang." banggit ni Carlos. "Bye." at nagpaalam na ako mula sa kanila ng mareceive ko ang text ni mama sa number ni kuya Hans.


Pagdating ko sa aking apartment...


*ring ring* *ring ring* ...


"Hello?"

"Hello? Um-, k-kuya Hans...?" tanong ko.

"... Dave?" Nang marinig ko ang pagbigkas ng aking pangalan mula sa kanyang bibig, unti unti akong lumuha.

"Hi."

"H-Hi! Kamusta ka na?"

"Okay lang... ito, college na."

"Wow grabe, ano kinuha mo?" tanong niya. 

"Basta Arts." sagot ko.


"Wow naman. Ano, libre ka ba ngayon? Tara, labas tayo. May... may pakikilala ako sa'yo." sabi niya't biglang para bang tumigil ang tibok ng puso ko. "... Oh sige. Saan ba?" tanong niya. "Text ko nalang sa'yo." bigkas niya at nagpaalam na.


Nagbihis ako ng maayos ng makita ko ang pangalan ng restaurant, medyo susyal daw ang restaurant na ito, kaya dapat medyo formal ang dating. Lumipas ang mga oras at nagpunta na ako sa restaurant, buti walking distance lamang ito.


Habang naghihintay ako, "Kinakabahan ako eh. Hindi ko ata kaya to..." sabi ko kay Gab. "Dude, relax. Chill ka lang. Damit mo?" tanong niya. "Bago." sagot ko naman. "May condom?" tanong niya. "... Ha? Ano ka ba, bastos nito-"


"Dave." tawag sa akin ng may ipinatong na palad sa aking balikat... si Kuya Hans. May balbas na siya, at para bang na-adapt na siya talaga ng states. "Hi." sabi ko't nakatanggap ng yakap mula sa kanya. "S-sino nga pala yung pakikilala mo?" tanong ko.


"Um- yeah. Tawagan nalang kita mamaya. Nako, sorry ah. I left my wallet sa car." nakaka-trigger ang conyo nitong babaeng 'to, pero I'll give her a point, maganda siya. "Hi." bati sa akin ng babae. 


Inakbayan ni kuya Hans ang babae't sinabi, "Dave, this is Tiffani, my fiance." Nang umupo na kami, "Um-... so kailan niyo ba balak i-uphold yung... kasal?" tanong ko. "Siguro... three months from now?" tanong ni kuya Hans.


"Ang... aga ata." komento ko naman. "I'm free lang kasi in that month. I'm a flight attendant so, of course I travel a lot and also I am a teacher." bigkas ng babae, si Tiffany. Ah- ganun ba?" tanong ko. "And knowing you, I was hoping if ikaw ang magiging ninong ng magiging anak namin." ng binigkas ni kuya Hans ito, napayuko ako.


Ilang segundo ang lumipas...


"I-I can't..." sagot ko. "H-ha? Bakit naman?" tanong ni Kuya Hans. "Why not?" tanong naman ni Tiffany. Nginitian ko na lamang sila at sinabi, "I just can't... sorry, I uh... still have some assignments to do today. Bye." hindi ko kinaya ang sakit na aking nararamdaman, kaya nagdesisyon na lamang ako na umalis mula dito.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now